Kristel Fulgar, kinuhang ambassador ng isang Korean brand

Kristel Fulgar, kinuhang ambassador ng isang Korean brand

- Binahagi ni Kristel Fulgar ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador

- Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto

- Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel

- Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinatuwa ni Kristel Fulgar na isang bagong Korean company ang kumuha sa kanya para maging ambassador ng kanilang produkto. Pinasalamatan ni Kristel ang kanyang mga tagasubaybay sa YouTube sa suportang kanyang natanggap.

Kristel Fulgar, kinuhang ambassador ng isang Korean brand
Kristel Fulgar, kinuhang ambassador ng isang Korean brand (KrisTells Vlogs)
Source: Youtube

Base sa video na kanyang binahagi, naging mabili ang naturang produkto nang gamitin ito ni Kristel at binahagi niya ang kanyang honest review sa mga produkto.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang ilang pictures mula sa kanyang Blackpink concert experience

Tuwang-tuwa siya na dahil sa bagong oportunidad ay nagkaroon siya ng supply ng mga produktong aniya ay gusto niyang ginagamit sa kanyang buhok.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Sa isang vlog ni Kristel, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea. Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya. Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama.

Read also

Rendon Labador, gumastos ng 1.2 M sa event: "Pinersonal na ako ng Coco fans"

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate