Ivana Alawi, nag-post tungkol sa pagkakaroon ng "good heart"

Ivana Alawi, nag-post tungkol sa pagkakaroon ng "good heart"

- Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban

- Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili

- Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan

- Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ivana Alawi sa Twitter ang isang kasabihan tungkol sa pagkakaroon ng mabuting puso. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa kanya.

Ivana Alawi, nag-post tungkol sa pagkakaroon ng "good heart"
Ivana Alawi, nag-post tungkol sa pagkakaroon ng "good heart" (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Marami sa mga fans niya ang nagsabing si Ivana ay halimbawa ng babaeng bukod sa mayroong taglay na pisikal na kagandahan ay mayroon ding mabuting kalooban.

Dahil sa mainit na isyu kaugnay sa umano'y mga nasabi ni Zeinab Harake sa mga influencers kabilang na si Ivana, hindi maiwasan ng ibang Twitter users na banggitin ang pangalan ni Zeinab sa kanilang reply sa tweet ni Ivana.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

That is well said Ivana. It is truly rare for someone who has has that good heart which is a true heart of gold that will never be extinguished or bought.
Very well said..be kind and humble no matter what.
Love u idol..... Bihira ung mganda na mabait pa.

Si Ivana Alawi ay aktres na unang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at ng suspense series na "Sino ang May Sala." Kasalukuyang napapanood siya sa seryeng "A Family Affair." Bukod sa kasikatan niya bilang aktres, sumikat din siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Sa isang vlog ay masaya si Ivana Alawi na sa unang pagkakataon simula noong nagka-pandemya muling nakapunta siya sa ibang bansa kasama ang kanyang buong pamilya. Pumunta sila sa Barcelona, Spain at sa unang pagkakataon ay kumpleto na sila dahil aniya sa kanilang pagpunta sa Thailand kamakailan ay hindi kasama ang kanilang mama. Maging ang kanyang mga kapatid at ang kanilang mama ay tuwang-tuwa sa kanilang biyahe. Marami naman ang natuwa at naaliw sa video na ito ni Ivana dahil bukod sa naibahagi nila ang ganda ng Spain, kinaaliwan ang kanilang kulitan at biruan.

Isa lamang si Ivana sa nagkomento sa ni Zeinab matapos ang kontrobersiyal na video ni Wilbert Tolentino. Pinuri nito ang kagandahan ni Zeinab sa kanyang Instagram post sa gitna ng mga kontrobersiya. Sa nilabas ni Wilbert na video ay makikita ang umano'y pahayag ni Zeinab laban kay Ivana. Sa kanyang nilabas na video ay nauna nang nilinaw ni Zeinab na nakausap niya na si Ivana at naintindihan niya umano si Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel