Juliana Parizcova, naimbitahan sa Ms.Q&A; "Hindi po ako pwede, may shooting po ako"

Juliana Parizcova, naimbitahan sa Ms.Q&A; "Hindi po ako pwede, may shooting po ako"

- Ibinahagi mismo ni Juliana Parizcova Segovia na naimbitahan siya sa Miss Q& A ng It's Showtime

- Sa kasamaang palad, tinanggihan niya umano ito gayung may shooting daw siya sa araw na iyon

- Nilinaw niyang hindi niya 'inisnab' ang show kung saan siya nakilala

- Matatandaang naging kontrobersyal si Juliana matapos na maging bahagi ng parody video ni Angelica Panganiban

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kanyang social media post, ipinakita ni Juliana Parizcova Segovia ang screenshot na nagpapakitang iniimbitahan siya sa Miss Q and A 2022 kamakailan.

Juliana Parizcova, naimbitahan sa Ms.Q&A; "Hindi po ako pwede, may shooting po ako"
Photo: Juliana Parizcova Segovia
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kinailangan itong tanggihan ni Juliana gayung mayroon daw siyang shooting sa araw na iyon.

"As much as i want to,kaso hindi talaga keri..Thank you @itsshowtimena for inviting me..and to all the Queens of Ms.Q and A Season 3 Best of luck and Congratulations," caption ng kanyang post.

Read also

Melai Cantiveros at kanyang mag-aama, kinaaliwan sa bago nilang vlog

Samantala, sa kanyang reply, makikitang nilinaw niyang hindi niya inisnab ang imbitasyon ng programa kung saan siya unang nakilala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Wag po sanang isipin nila na inisnab ko sila. Salamat po," ang bahagi ng kanyang reply.

Matatandaang kamakailan, maraming netizens ang naghanap kay Juliana nang makitang bumalik muli sa It's Showtime ang ilang mga dating contestants ng Miss Q&A na tinaguriang 'Resbeki.'

Gayunpaman, ilan naman ang nagsabing pawang ang mga hindi nagwagi lamang ang pinabalik bilang resbeki at si Juliana ay 'di na kasama rito gayung title holder na siya ng Miss Qand A.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Juliana Parizcova Segovia ay si "TJ Ortega" sa totoong buhay. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime taong 2018.

Read also

Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media dahil sa isang parody video na umano'y base sa kontrobersyal na video ni Angelica Panganiban.

Minsan na rin nitong pinabulaanan ang umano'y isyu kung saan dinedma raw siya ni Vice Ganda sa Miss International Queen Philippines. Aniya siya ang lumapit sa kanyang 'Meme Vice', nagbeso at yumakap kaya walang katotohanan ang sinasabing dedmahan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel