Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake

Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake

- Isa si Ivana Alawi sa nagkomento sa bagong post ni Zeinab Harake matapos ang kontrobersiyal na video ni Wilbert Tolentino

- Pinuri nito ang kagandahan ni Zeinab sa kanyang Instagram post sa gitna ng mga kontrobersiya

- Sa nilabas ni Wilbert na video ay makikita ang umano'y pahayag ni Zeinab laban kay Ivana

- Sa kanyang nilabas na video ay nauna nang nilinaw ni Zeinab na nakausap niya na si Ivana at naintindihan niya umano si Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkomento si Ivana Alawi sa post ni Zeinab Harake sa gitna ng kontrobersiyal na video ni Wilbert Tolentino. Isa lamang si Ivana sa mga vloggers na nabanggit sa video ni Wilbert na umano'y bina-back stab umano ni Zeinab.

Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake
Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nag-post si Zeinab matapos lumabas ang video ni Wilbert at nag komento dito si Ivana.

Read also

Zeinab, pinabulaanang kalahating milyong piso ang bigay ni Wilbert para sa kanyang YT intro

"Mapanakit na ganda"," ito ang naging komento ni Ivana sa post ni Zeinab kung saan binahagi niya ang mga pictures niya.
Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake
Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang live video, nilinaw ni Zeinab na nakausap niya na si Ivana at ayon kay Ivana ay naintindihan niya si Zeinab dahil nagkaroon sila ng isyu noong mga panahong iyon.

Gayunpaman, nagkausap naman na umano sila ni Ivana.

Sa video na nilabas ni Wilbert pinakita niya ang aniya'y sinabi ni Zeinab tungkol kay Ivana.

Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake
Ivana Alawi, nagkomento ng "Mapanakit na ganda" sa post ni Zeinab Harake (Screenshot from Wilbert Tolentino VLOGS/YouTube)
Source: Instagram

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel