Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya

Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya

- Binahagi ng gf ni Andrew Schimmer ang convo nila ng bunsong anak ni Andrew na si Xander

- Inamin nito na naiyak siya nang sabihan siya ni Xander na bibilhan daw siya nito ng gamot para hindi daw ito magkasakit

- Ayaw daw niyang magkasakit ito at baka mangyari sa kanya ang nangyari sa mommy niya na si Jho Rovero

- Mommy din ang tawag ni Xander sa kasalukuyang karelasyon ng ama

Aminado ang gf ni Andrew Schimmer na naiyak siya sa mensahe ni Xander Schimmer sa kanya na bibilhan daw siya nito ng gamot. Ayaw daw niyang magkasakit ito at mangyari ang nangyari sa mommy niyang si Jho Rovero.

Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya
Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya
Source: Facebook

Sa kanyang post, naibahagi niya ang convo nila ni Xander. Malambing sila sa isa't-isa at mommy din ang tawag ni Xander sa kanya.

Ayon pa kay Dimps, ramdam niya ang pagmamahal ni Xander sa kanya.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko. Maging ang kanyang girlfriend ay binahagi ang masayang picture ng kanilang blended family. Pinasalamatan nito si Andrew sa pagbibigay niya ng pag-asa sa kanya kagaya ng pinagpapasalamat din ni Andrew.

Inalmahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer. Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito. Gayunpaman, nanatili daw ang friendship nila ni Andrew at ngayon nga ay natuloy raw ang pagmamahalan nila. Isang commenter naman na binahagi din ng gf ni Andrew ang nagsabing hindi magkakakilala sina Andrew at ang gf nito noon kaya hindi totoo ang sinasabi nitong hula niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel