Whamos Cruz, sinorpresa ng bagong kotse si Antonette Gail

Whamos Cruz, sinorpresa ng bagong kotse si Antonette Gail

- Tuwang-tuwa si Antonette Gail sa binigay na kotse ni Whamos Cruz sa kanya

- Kwento ni Whamos, nabenta daw nila dati yung kotse ni Antonette nang nangailangan sila

- Hindi daw inasahan ni Antonette na sa kanya ang kotse dahil nagpaalam lang daw si Whamos na bibili siya ng kotse

- Nagpasalamat din sila sa lahat ng sumusuporta sa kanila na naging dahilan daw para magkaroon sila ng mga bagay na nabibili nila

Sinorpresa ni Whamos Cruz si Antonette Gail ng isang kotse. Hindi maitago ni Antonette ang kanyang tuwa sa sorpresa sa kanya ni Whamos.

Whamos Cruz, sinorpresa ng bagong kotse si Antonette Gail
Whamos Cruz, sinorpresa ng bagong kotse si Antonette Gail
Source: Facebook

Nilinaw ni Whamos na hindi daw niya ibinahagi ang video na ito upang magyabang. Gusto daw niyang maging inspirasyon para sa mga kagaya niya na maregaluhan ang asawa nila.

Aniya, naibenta nila ang kotse ni Antonette nung nangailangan sila kaya napag-isipan niyang ibili ito ng kanyang kotse.

Read also

Ivana Alawi, tumigil sa pag-aaral noon dahil sa pangbu-bully sa kanya

Ayon pa kay Whamos, limited lang ang kotse na ito at nagustuhan niya ito para kay Antonette. Nagpasalamat din sila sa lahat ng sumusuporta sa kanila na naging dahilan daw para magkaroon sila ng mga bagay na nabibili nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette. Nilinaw niyang hindi sila gagastos nang wala silang extra kaya hindi totoong naubos ang kanilang ipon. Dagdag pa niya, may pinaglalaanan sila sa kanilang savings.

Read also

Toni Fowler at kanyang mga kuya, nagkaayos na matapos ang tampuhan

Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak. Dinatnan nilang tulog pa si Meteor pero hindi maitago ni Antonette ang pananabik niya sa anak. Hindi pa makakilos nang maayos si Antonette kaya hindi pa niya nakarga kaagad si Meteor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel