Toni Fowler at kanyang mga kuya, nagkaayos na matapos ang tampuhan

Toni Fowler at kanyang mga kuya, nagkaayos na matapos ang tampuhan

- Ibinahagi ni Toni Fowler ang pictures nila kasama ang kanyang mga kuya na kanyang nakatampuhan noon

- Sa kanilang pinakabagong episode ng kanilang reality show pinuntahan nila ang kuya niyang sina Lester at Alvin Fowler

- Dito ay nagkausap sila at nagkapatawaran matapos ang kanilang mga naging sagutan sa social media

- Ayon sa kuya niyang si Lester na nagdiwang din ng kaarawan niya nang puntahan nila, napapanahon naman na nagkita sila dahil paalis na siya papuntang Amerika at doon na maninirahan

Masayang binahagi ni Toni Fowler na nagkaayos na sila ng kanyang mga kuya na sina Lester at Alvin Fowler. Matatandaang nagkasagutan sila sa social media.

Toni Fowler at kanyang mga kuya, nagkaayos na matapos ang tampuhan
Toni Fowler at kanyang mga kuya, nagkaayos na matapos ang tampuhan
Source: Facebook

Sa kanilang episode ng reality show nila ngayong Sabado, minabuti ng magkapatid na Mari at Toni na puntahan ang kanilang Kuya Lester na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Sinorpresa nila ito. Naging emosyonal naman ang kanilang pagkikita matapos nilang humingi ng tawad sa isa't-isa.

Read also

Whamos Cruz, sinorpresa ng bagong kotse si Antonette Gail

Ayon sa kuya niyang si Lester, napapanahon naman na nagkita sila dahil paalis na siya papuntang Amerika at doon na maninirahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Gf ni Andrew Schimmer, naiyak sa mensahe ni Xander sa kanya

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel