Ivana Alawi, binalikan ang simpleng buhay nila sa kanilang dating bahay

Ivana Alawi, binalikan ang simpleng buhay nila sa kanilang dating bahay

- Kinaaliwan si Ivana Alawi sa bagong vlog niya kung saan binalikan nila ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa

- Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog

- Kinuwento nila ang kanilang mga memories sa dating bahay na ayon sa kanila ay malaki na para sa kanila

- Pinakita nila ang ilang bahay na kanilang nilipat-lipatan noong doon sila nakatira

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Ivana Alawi sa bagong vlog niya kung saan binalikan nila ang bahay nila sa Bacood Sta Mesa. Paglilinaw nila ni Mona, nagsimula sila sa simpleng buhay taliwas sa nakikita sa kanilang vlog sa kasalukuyan.

Ivana Alawi, binalikan ang simpleng buhay nila sa kanilang dating bahay
Ivana Alawi, binalikan ang simpleng buhay nila sa kanilang dating bahay (Ivana Alawi/YouTube)
Source: Youtube

Kahit simple lang ang buhay nila sa Pilipinas ay na-enjoy daw ni Ivana ang buhay nila nang nasa Pilipinas sila kahit maganda ang bahay nila doon sa Bahrain.

Read also

Xyriel Manabat, umalma sa nanghuhusga sa kanyang boyfriend

Nagbigay din sina Ivana ng mga biyaya sa mga dati nilang ka-lugar at pati sa tindahan kung saan daw nangungutang noon ang mama nila.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napakasimple ng buhay na kinalakihan mo, and you still looking back to your past kahit na napakayaman mo na ngayon. napaka-humble mong tao, that's why you deserve all the blessings na natanggap mo/niyo ngayon ate Ivana. and i'm sure your Dad is very proud of you we love you Alawi fam!
I'm sure sobrang proud ni mama Alawi sainyong magkakapatid dahil sa mga narating nyo. At kahit malayo na ang narating nyo, alam nyo pa rin lumingon sa pinanggalingan nyo. Godbless you Alawi fam!
Super humble ng family na to.Napalaki talaga sila ni mama Alawi ng maayos.

Read also

Awra Briguela, kabilang sa nasangkot sa rambulan sa Poblacion

Ivana Alawi, pinakita ang dating bahay nila kung saan sila lumaki
Ivana Alawi, pinakita ang dating bahay nila kung saan sila lumaki (Ivana Alawi/YouTube)
Source: Youtube

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel