Awra Briguela, kabilang sa nasangkot sa rambulan sa Poblacion

Awra Briguela, kabilang sa nasangkot sa rambulan sa Poblacion

- Trending si Awra Briguela sa social media matapos masangkot sa isang rambol sa Poblacion, Makati

- Makikita sa mga kumalat na video na inawat na siya ng mga otoridad at dinala sa police car

- Hindi naman malinaw kung ano ang pinagmulan ng gulo dahil wala pang nilalabas na pahayag ang panig ni Awra

- Gayunpaman, may ilang mga netizens na nagpakilalang kaibigan umano ni Awra at nagsabing pinagtanggol daw nito ang kaibigang hinipuan ng isang lalaki

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nasangkot si Awra Briguela sa rambol sa Poblacion, Makati. Marami naman sa Twitter ang nagsasabing pinagtanggol daw ni Awra ang kanyang kaibigan na na-harass. Gayunpaman, wala pang nilalabas na pahayag ang kanyang panig.

Awra Briguela, kabilang sa nasangkot sa rambulan sa Poblacion
Awra Briguela, kabilang sa nasangkot sa rambulan sa Poblacion (@awrabriguela)
Source: Instagram

Makikita sa mga kumalat na video na inawat na siya ng mga otoridad at dinala sa police car.

Read also

Herlene Nicole Budol sa bashers: "Dahil po sa inyo marami akong inayos sa buhay ko"

Kilala si Awra bilang isang kaibigan na palaging nagsasalita tuwing may kaibigan siyang sa kanyang pakiramdam ay naapi. Kabilang sa kanyang malalapit na kaibigan ay kagaya nina Zeinab Harake at Andrea Brillantes.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Matatandaang binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito.

Pinagtanggol ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel