Xyriel Manabat, umalma sa nanghuhusga sa kanyang boyfriend

Xyriel Manabat, umalma sa nanghuhusga sa kanyang boyfriend

- Minabuti ni Xyriel Manabat na sagutin ang panghuhusga sa kanila ng ilang netizens

- May mga nagsabi daw na bakod na bakod ng boyfriend niya si Xyriel kaya tila daw umiiwas ito sa mga tanong tungkol sa kanila ni Elija Canlas

- Pinaliwanag ni Xyriel ang kanyang panig kaugnay sa isang panayam na umani ng mga komento at reaksiyon

- Nilinaw niyang hindi nila kailangang bakuran ang isa't-isa dahil aniya nagpapakita lang sila ng suporta

Sinagot ni Xyriel Manabat ang ilang komento patungkol sa kanyang real-life boyfriend. Ayon sa ilang komento, tila binabakuran ng boyfriend niya si Xyriel.

Xyriel Manabat, umalma sa nanghuhusga sa kanyang boyfriend
Xyriel Manabat, umalma sa nanghuhusga sa kanyang boyfriend (@xyrielmanabat_)
Source: Instagram

Sa kanilang pagdalo sa primiere night ng pelikulang My Sassy Girl, nagpaunlak si Xyriel ng panayam kaugnay sa kanyang review ng pelikula. Gayunpaman, bukod sa nagmamadali na daw sila dahil kailangan nilang makuha ang kanilang bag sa baggage counter bago magsara ang mall, may mga naitanong daw sa kanya na hindi kasama sa na-briefing sa kanila kaya minabuti niyang magpaalam na.

Read also

Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"

Umani ng mga komento ang panayam sa kanya na kesyo binabakuran daw siya ng boyfriend at hindi siya pinapayagan.

Dipensa ni Xyriel, supportive sila ng boyfriend sa isa't-isa. Minabuti daw niyang magsalita dahil pinaglalaban niya ang feelings niya at hindi niya nagugustuhan ang aniya'y mind set ng mga nagkomento na aniya ay ang toxic.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang ibahagi ni Xyriel ang ilang pictures niya sa kanyang 18th birthday. Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan, bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya. Hindi man siya aktibo sa showbiz ng ilang taon, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures.

Read also

Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan

Sa social media post ni Xyriel kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora. Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang "angry" react sa post ni Xyriel sa Facebook. Kasunod nito ay ibinahagi niya ang komento ni Xyriel kaugnay sa kanyang mensahe tungkol sa kung paano nabago ang kanyang pananaw sa aktres. Aniya, paborito daw niya ito dati sa seryeng "100 Days to Heaven" ngunit hindi na daw niya ito paborito si Xyriel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel