Xyriel Manabat, paborito raw dati ni Senyora sa 100 Days to Heaven

Xyriel Manabat, paborito raw dati ni Senyora sa 100 Days to Heaven

- Sa social media post ni Xyriel Manabat kamakailan kung saan sinabi niyang nagawa niya ang isa sa kanyang 2021 bucketlist, marami ang nag-tag kay Senyora

- Dahil dito ay nag-react si Senyora at makikita ang kanyang "angry" react sa post ni Xyriel sa Facebook

- Kasunod nito ay ibinahagi niya ang komento ni Xyriel kaugnay sa kanyang mensahe tungkol sa kung paano nabago ang kanyang pananaw sa aktres

- Aniya, paborito daw niya ito dati sa seryeng "100 Days to Heaven" ngunit hindi na daw niya ito paborito ngayon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tawang-tawa si Xyriel manabat sa reaksiyon ni Senyora sa pang-ta-tag ng mga netizens sa kanya sa post ni Xyriel. Ani Senyora, paborito daw niya ito dati sa seryeng "100 Days to Heaven" ngunit hindi na daw niya ito paborito ngayon.

Read also

Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw

Xyriel Manabat, "hate" na raw ni Senyora kahit love sya nito dati sa 100 Days to Heaven
Photo from Xyriel manabat (xyrielmanabat_)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Senyora na kakalimutan na lamang niyang pinanuod niya noon si Xyriel.

Hinde Xyriel. Kakalimutan ko na lang pinanood kita sa 100 Days To Heaven dati. Kaluluwa ka don diba? Pwes ganun na turing ko sayo.

Sa komento ni Senyora, sumagot naman si Xyriel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito na nga ba sinasabi ko tag kasi kayo nang tag! Mauubos supporter ng 100 Days to Heaven niyan e

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Read also

Jam Magno sa mga celebrity na umano'y bumabatikos kay Toni G: "Sino ba kayo?"

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon. Ang isa sa pinakahuling teleseryeng kanyang kinabilangan ay ang Wildflower kung saan gumanap siya bilang batang Lily Cruz.

Matatandaang ipinaliwanag ni Xyriel ang dahilan kung bakit napagpasyahan nilang huwag na muna tumanggap ng TV projects.

Matapos mag-trending dahil sa malaking pagbabago sa kanya dala ng kanyang pagdadalaga, mayroong mga nambastos sa kanya. Sinagot niya ang mga taong nagsasabing deserve niya umanong mabastos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel