Exclusive: Xyriel Manabat, bumwelta sa nagsasabing deserve niyang bastusin

Exclusive: Xyriel Manabat, bumwelta sa nagsasabing deserve niyang bastusin

- Si Xyriel Manabat ay naging usap-usapan kamakailan dahil sa pambabastos na inabot niya sa ilang netizens sa social media

- Maraming tao ang nag-tanggol sa kanya pero may ilang netizens din na nag-sabing binabastos siya dahil sa kanyang pananamit kaya matapang itong sinagot ni Xyriel

- Sinabi ni Xyriel sa KAMI na disente naman ang kanyang pananamit at hindi niya ginustong bastusin siya ng sinuman

- Ipinaliwanag din niya na maruming pag-iisip ang sanhi ng pambabastos at hindi ang pananamit ng mga babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Exclusive: Xyriel Manabat, bumwelta sa nagsasabing deserve niyang bastusin

Photo from Xyriel Manabat's Instagram account
Source: Instagram

Si Xyriel Manabat ay naging laman ng maraming headlines kamakailan dahil sa pambabastos na inabot niya sa ilang netizens sa social media.

Bagamat maraming nag-tanggol sa kanya, may ilang netizens din na nag-sabing binabastos siya dahil sa kanyang pananamit.

Sa exclusive na panayam ng KAMI sa teen star, matapang na sinagot ni Xyriel ang argumentong deserve niyang bastusin.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Ayon kay Xyriel, disente naman ang kanyang pananamit at hindi niya ginustong bastusin siya ng sinuman.

Dagdag pa niya, ang maruming pag-iisip ang sanhi ng pambabastos at hindi ang pananamit ng mga babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“I just hope they will never experience that po especially I didn’t asked for it po and I have decent clothings po and wearing something that boosts one’s self esteem is never the problem po.
“Hindi po nababastos ang tao dahil sa pananamit dahil po yun sa bastos at madumi ang isip,” sinabi ni Xyriel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Xyriel Manabat, o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol taong 2009, kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon.

Si Xyriel ay umani ng papuri ilang buwan na ang nakakaraan dahil nagtapos siya sa high school. Ayon sa kanyang Instagram post, sa Golden Faith Academy siya nakapagtapos.

Kamakailan lang ay nag viral din ang kanyang ibinahaging picture sa social media. Maraming netizens ang natuwa dahil dalaga na ang dating sikat na child star.

Sa nakaraang report ng KAMI, pinag-usapan din ang pambabastos na ginawa ng ilang netizens sa social media photos ni Xyriel. Ayon sa teen star, apektado at hindi natuwa ang kanyang pamilya sa ginawa ng bastos na netizens.

Exclusive: Xyriel Manabat, hindi matanggap ang pag-shut down sa ABS-CBN

Nakapanayam din ng KAMI si Xyriel ukol sa kontrobersyal na shutdown ng ABS-CBN. Inilahad niya na hindi siya makapaniwala at hirap siyang tanggapin ang sinapit ng Kapamilya Network.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel