Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan

Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan

- Hindi napigilan ni Kathryn Bernardo ang emosyon habang nagbabahagi ng kanyang mensahe para sa mga taong malalapit sa kanya

- Sa ginanap na contract signing ni Kathryn sa ABS-CBN, nagbigay ng mensahe ang ilang malalapit na tao sa kanya mula sa kanyang mga nakatrabaho hanggang sa kanyang malalapit na kaibigan at pamilya

- Ani Kathryn, ang mga taong ito ang hindi nang-iwan sa kanya noong panahong may pinagdaanan siya

- Aniya, hindi naging madali ang taong 2023 para sa kanya pero dahil sa pinagdaanan ay napatunayan niyang may mga totoong kaibigan siya na maasahan

Hindi napigilan ni Kathryn Bernardo ang emosyonal sa ginanap na contract signing niya sa ABS-CBN. Aminado siyang hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan noong nakaraang taon pero dahil daw dito ay napatunayan niyang pwede siyang makahanap ng totoong mabuting tao sa showbiz.

Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan
Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan
Source: Facebook

Nagpasalamat siya sa kanyang kaibigan at pamilya at pinapapahalagahan niya daw ito. Pinasalamatan niya rin ang fans na nanatiling sumuporta sa kanya sa kabila ng pinagdaanan niya.

Read also

Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang artista sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong March 26, 1996, siya ay nagsimulang magtrabaho sa larangan ng pag-arte noong bata pa lamang siya. Kilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikulang Pilipino. Bumida si Kathryn sa iba't ibang proyekto tulad ng "Princess and I," "Got to Believe," at "Pangako Sa 'Yo."

Matatandaang puring-puri ni Alora Sasam ang pagiging professional ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo. Kalakip ito ng video ng dance cover ni Kathryn ng nauusong sayaw na "Water". Sinagot ni Alora ang isang netizen na nagsabing dapat ay payuhan ni Alora sina Kathryn at Daniel at huwag manghimasok. Ani Alora, kung alam lang nito ang kanyang nalalaman ay iba ang magiging komento nito.

Usap-usapang muli sina Kathryn at Daniel Padilla matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa Instagram si Kathryn sa ex niyang si DJ. Ito ay matapos ang isa’t-kalahating buwan mula nang isapubliko nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay naka-follow pa rin si Daniel sa aktres na nakasama niya din kamakailan sa kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda. Namamataang maayos na magkausap ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel