Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"

Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"

- Nag-post si Papi Galang ng isang mensahe tungkol sa aniya'y pagpili niya sa kanyang sarili

- Aniya, ngayong taon ay gagawin niya ito kahit pa mangangahulugan itong kailangang niyang putulin ang koneksiyon niya sa kung sinuman

- Dagdag pa niya, hindi lang daw ang mga taong ito na pinatutungkulan niya ang tahimik lang sa umpisa

- Matatandaang sa pinakahuling episode ng reality show ng ToRo family ay bumukod na sina Papi ng bahay

Naglabas ng saloobin si Papi Galang tungkol sa aniya'y pagpili niya sa kanyang sarili. Aniya, gagawin niya ito kahit pa kailangang niyang putulin ang koneksiyon niya sa kung sinuman.

Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"
Papi Galang: "Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa"
Source: Facebook
This year i will choose myself kahit mag cut ties pa kung kanino
Mananahimik hanggat di agrabyado pero pls WAG AKO
Di lang kayo ang tahimik lang sa umpisa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan

Aniya, hindi lang ang taong kanyang pinatutungkulan ang tahimik lang sa umpisa.

Matatandaang sa pinakahuling episode ng ToRo family reality show ay nagkasagutan sina Papi at ang magkapatid na Toni at Mari at tuluyan nang umalis ng bahay sina Papi kasama ang kanyang mag-aama.

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family.

Matatandaang nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa naunang episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler. Sinubukasn kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari. Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis. Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila.

Read also

Melai Cantiveros, aminadong hindi inasahang mananalo siya ng acting award

Nagkasagutan din Toni Fowler at Papi Galang sa kanilang episode ng reality show ng ToRo family. Matapos pagsabihan ni Toni si Papi na huwag magbuhat ng mga gamit, nagkasagutan sila dahil ayon kay Papi ay pinapakealaman lahat ng desisyon niya. Maging ang kapatid ni Toni na si Mari Fowler ay sinagot din ni Papi matapos siyang sawayin nito sa mga sinabi nitong masakit kay Toni. Tuluyan nang humiwalay ng bahay sina Papi at kanyang mag-aama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel