Melai Cantiveros, aminadong hindi inasahang mananalo siya ng acting award

Melai Cantiveros, aminadong hindi inasahang mananalo siya ng acting award

- Aminado si Melai Cantiveros na maging siya ay hindi inasahang mananalo siya ng acting award

- Matatandaang kamakailan ay isa si Melai sa tinanghal na best actor sa AAA awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Mam Chief

- Aniya, hindi niya inasahang mananalo siya dahil hindi nga daw siya mapansin kahit sa barangay nila

- Nagpapasalamat na lang daw sya na nairaos niya ang kanyang speech kahit hindi talaga siya handa

Aminado si Melai Cantiveros na maging siya ay hindi niya inasahang mananalo siya ng acting award. Sa panayam ng PopLife.ph, sinabi ni Melai na kahit nga sa barangay nila ay hindi raw siya napapansin kaya hindi niya naisip na mapapansin siya ng mga Korean.

Melai Cantiveros, aminadong hindi inasahang mananalo siya ng acting award
Melai Cantiveros, aminadong hindi inasahang mananalo siya ng acting award
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "‘Love these!’"

Ani Melai, hindi talaga siya handa sa speech kaya ginamit na lang daw niya kung ano ang natatago niyang English. Nagpasalamat na lang siya na nairaos niya kahit papaano ang kanyang speech na talaga namang kinaaliwan ng marami.

Matatandaang kamakailan ay isa si Melai sa tinanghal na best actor sa AAA awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Mam Chief.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel