Dating child star na si Xyriel Manabat, nagdiwang ng kanyang 18th birthday

Dating child star na si Xyriel Manabat, nagdiwang ng kanyang 18th birthday

- Ibinahagi ni Xyriel Manabat ang ilang pictures niya sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinahagi niyang 18 na siya

- Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan, bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya

- Hindi man siya aktibo sa showbiz sa kasalukuyan, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures kamakailan

- Si Xyriel ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa 'Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol' noong taong 2009

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang bumati kay Xyriel Manabat sa kanyang ibinahaging Instagram post kung saan ibinahagi niyang 18 na siya. Bumuhos ang pagbati hindi lamang mula sa mga tagahanga niya kundi mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Read also

Xyriel Manabat, pinakita ang kanyang bagong hairstyle at hair color

Dating child star na si Xyriel Manabat, nagdiwang ng kanyang 18th birthday
Photo from Xyriel manabat (xyrielmanabat_)
Source: Instagram

Kabilang sa mga artista at personalidad na bumati sa kanya ay sina Vina Morales, Hero Angeles, Therese Malvar, Darla Sauler at Elijah Alejo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi man siya aktibo sa showbiz sa kasalukuyan, nanatiling hot topic si Xyriel lalo na nang mag-viral ang kanyang mga pictures kamakailan dahil sa kanyang pagdadalaga. Gayunpaman, ikinalungkot din niya ang natanggap na pambabastos dahil sa pagbabago sa kanyang pangangatawan simula nang magdalaga siya.

Si Xyriel Manabat o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol noong taong 2009 kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Read also

Miho Nishida, ibinahaging nagtatrabaho siya sa salon sa Japan

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon. Ang isa sa pinakahuling teleseryeng kanyang kinabilangan ay ang Wildflower kung saan gumanap siya bilang batang Lily Cruz.

Matatandaang ipinaliwanag ni Xyriel ang dahilan kung bakit napagpasyahan nilang huwag na muna tumanggap ng TV projects.

Matapos mag-trending dahil sa malaking pagbabago sa kanya dala ng kanyang pagdadalaga, mayroong mga nambastos sa kanya. Sinagot niya ang mga taong nagsasabing deserve niya umanong mabastos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel