Miho Nishida, ibinahaging nagtatrabaho siya sa salon sa Japan

Miho Nishida, ibinahaging nagtatrabaho siya sa salon sa Japan

- Sa isang panayam ay ibinahagi ni Miho Nishida ang kanyang trabaho sa Japan sa kasalukuyan

- Matapos niyang mapagpasyahang lisanin ang bansa, naibahagi niya ang kanyang kalagayan matapos niyang pansamantalang natigil sa showbiz

- Aniya, kasalukuyang nagtatrabaho siya sa isang aesthetic salon at tumutulong siya sa pagpapaganda ng mga tao

- Matatandaang unang sumikat si Miho nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ipinagkaila ni Miho Nishida na kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang aesthetic salon sa ibang bansa. Kasalukuyan siyang nainirahan sa Japan kasama ang kanyang anak.

Miho Nishida, ibinahaging nagtatrabaho siya sa salon sa Japan
Miho Nishida (@real.miho_nishida)
Source: Instagram

Matapos niyang mapagpasyahang lisanin ang bansa, naibahagi niya ang kanyang kalagayan matapos niyang pansamantalang natigil sa showbiz. Masaya niyang ibinahagi na tumutulong siya sa pagpapaganda ng ibang tao sa isang panayam na iniulat ng PUSH.

“Ang work ko dito sa Japan ay aesthetic salon. Ang ginagawa ko ay nagpapaganda ako ng tao. Like tayong mga babae, tinutubuan tayo ng buhok sa kili-kili. Ang ginagawa ko dun ay para siyang waxing pero ang maganda dun hindi na siya tutubuan ng buhok. Para hindi na siya mag-shave. Gumagawa din kami ng pampapayat. Kumbaga gumagamit kami ng machine para pumayat”

Read also

80-anyos na Lolo, kinasuhan dahil sa umano'y pagnanakaw ng mangga

Naibahagi niya rin ang naging adjustment ng anak niyang si Aimi na 11-anyos na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Okay naman siya. Malaki na siya. 11 years old na siya. Tapos ngayon nag-i-i-start na ulit siya sa pag-study niya. Medyo naguguluhan lang siya kasi mga English at Tagalog yung diyan tapos iba yung tinuturo dito. Malaki yung adjustment sa kanya,”

Inamin din niya na nanibago siya sa kanyang pagtatrabaho doon matapos ang kanyang pag-aartista.

“Parang ang laki ng pinagbago sa akin. Parang dati iniisip ko lang na, hanggang ngayon naman, gusto ko magka-project at gusto ko mag-work. Kumbaga work lang yung iniisip ko pero ang nangyari itong pandemic parang naging matured din yung pag-iisip ko dahil kinaya ko na yung lumipat ng bansa sa pandemic na hindi ko alam kung saan ako mag-i-i-start actually. Kahit bansa ko ‘to siyempre parang naninibago ako kasi nga five years din ako sa Pilipinas nag-aartista. Kumbaga talagang nanibago ako sa buhay ko na nag-work ako na parang normal na tao,”

Read also

Bernadette Sembrano, napahagulgol nang makita ang mga kasamahan sa ABS-CBN

Si Miho Nishida ay naging bahagi ng Pinoy Big Brother na kinalaunan ay naging kapalagayang loob ng kapwa housemate niyang si Tommy Esguerra. Nakilala ang tambalan nila sa tawag na TomiHo tandem. Nang tumagal ay umanin sila tungkol sa kanilang relasyon.

Gayunpaman, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon na ikinadismaya ng mga ToMiho fans.

Matatandaang noong 2019 ay binahagi ni Miho sa publiko ang kanyang bagong bahay.

Naging agaw-pansin din siya sa PBB house blessing na dinaluhan ng mga bigating bituin sa showbiz.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel