Xian Gaza kay Zeinab Harake: "Hindi ka na ata marunong magsuklay mag-isa eh"

Xian Gaza kay Zeinab Harake: "Hindi ka na ata marunong magsuklay mag-isa eh"

- Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito

- Sa comment section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya

- Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod

- Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbiro si Xian Gaza sa kaibigang si Zeinab Harake na aniya ay puro basketball lang inaatupag. Nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Read also

Ben Tulfo kay Rendon Labador: "Tama na yang mga putak-putak mo diyan"

Xian Gaza kay Zeinab Harake: "Hindi ka na ata marunong magsuklay mag-isa eh"
Xian Gaza kay Zeinab Harake: "Hindi ka na ata marunong magsuklay mag-isa eh" (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Sa comment section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Sagot ni Xian, paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Matatandaang nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Sinagot ni Xian ang bashers ni Ogie Diaz na nagsabing ginatasan daw ni Ogie si Liza Soberano sa loob ng sampung taon. Ani Xian, hindi lang pagiging talent manager at artista ang pinagkukunan ng income ni Ogie. Magaling daw itong kumilatis ng real estate na tataas ang value matapos lamang ang ilang taon - Aminado siyang maging siya at gayundin si Liza ay nakinabang sa expertise na ito ni Ogie pagdating sa pag-invest sa real estate.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel