Ben Tulfo kay Rendon Labador: "Tama na yang mga putak-putak mo diyan"

Ben Tulfo kay Rendon Labador: "Tama na yang mga putak-putak mo diyan"

- Sinagot ni Ben Tulfo ang mga patutsada ni Rendon Labador kaugnay sa mga patutsada nito

- Sa isang TikTok video ay hindi nagtimpi ang batikang journalist patungkol sa mga patutsada ni Labador

- Ani Ben, siya ay si Bitag at kaya niyang makipagbardagulan kahit kanino pa man yan

- Kamakailan ay may lumabas na balitang may patutsada umano si Ben Tulfo laban sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinatulan ni Ben Tulfo ang mga patutsada ni Rendon Labador nitong mga nakaraang araw. Tinawag niya rin itong "putakerang vlogger."

Rendon Labador sa umano'y pahayag ni Ben Tulfo: "Tag nyo ko kung legit bago ako sumagot"
Rendon Labador sa umano'y pahayag ni Ben Tulfo: "Tag nyo ko kung legit bago ako sumagot" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Aniya, marami ang nagsasabi sa kanya na huwag niya nang patulan. Gayunpaman, aniya kaya niyang makipagbalyahan at makipagbardagulan sa kahit kanino man dahil siya si Bitag.

Kamakailan ay may lumabas na balitang may patutsada umano si Ben Tulfo laban sa kanya kaugnay sa pahayag ni Rendon laban kay Michael V. Nag viral ang balitang ito ngunit wala pang lumalabas na video bilang patunay na sinabi nga ito ni Ben Tulfo.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel