Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

- Nakarating umano kay Cristy Fermin ang ilan pang mga kwento kaugnay sa pagkawala ng G-Force sa concert ni Sarah Geronimo

- Ang G-Fornce na pinamumunuan ng kanilang artistic director ang kasa-kasama noon pa ni Sarah G sa kanyang mga performances

- Subalit sa isa sa pinakamahalagang okasyon nito ay hindi niya nakasama ang grupo sa hindi pa makumpirmang kadahilanan

- Ayon sa source ni Cristy, sinasabing may ilang kaganapan na nagsasabing noon pa man ay may mga hindi na nakakasundo si Teacher Georcelle kabilang na umano si Mr. M ng ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Cristy Fermin ang nakarating sa kanilang kwento kaugnay sa pagkawala ng grupong G-Force sa 20th anniversary concert ni Sarah Geronimo noong May 12.

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito
Georcelle Dapat-Sy
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na matapos na maglabasan ng mga espekulasayon sa nangyari gayundin sa naging pahayag mismo ni Teacher Georcelle, may mga nakapagsabing hindi lamang ito unang beses nangyari.

Read also

Cristy, nabanggit ang pagtatanungan umano ng mga Eat Bulaga hosts ng mangyayari sa kanila

"Hindi lang pala si Paolo Valenciano ang nagkaroon ng disgusto kay Teacher Georcelle kahit pala si Mr. M," ani Cristyna nabalitaang maging noong panahong nagtuturo pa lamang ng mga bata sa ABS-CBN si Teacher Georcelle ay nagkaproblema raw ito 'di umano kay Mr. Johnny Manahan.

Nakarating din kina Cristy ang usap-usapang nakikipagkompitensya ito sa star ng show.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sa marami pong nakakapansin na nakikipagkompetensya ang choreographer sa main performer. At sinabi ni Sarah na hindi naman daw kung tutuusin siya lang ang nagdesisyon ng pagkawala ni Teacher Georcelle sa kanyang 20th anniversary. Kaya ang tanungan, sino kaya ang konektado sa production na tumanggi."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Si Georcelle Dapat-Sy, ay ang artistic director G-Force Dance Corporation. Madalas mapanood ang grupong pinamumunuan ni Georcelle sa mga Kapamilya shows tulad ng ASAP.

Read also

Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"

Samantala, naging kontrobersyal ang pagkawala ng G-Force sa 20th concert ni Sarah Geronimo. Lalo na at alam ng publiko lalo na ng mga fans ni Sarah na ang naturang grupo ang kasa-kasama ni Sarah sa kanyang mga shows lalo na sa kanyang concert. Isa sa pinasikat ng G-Force ay ang umano'y choreo ng hit dance craze ni Sarah G, ang 'Tala.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel