Cristy, nabanggit ang pagtatanungan umano ng mga Eat Bulaga hosts ng mangyayari sa kanila

Cristy, nabanggit ang pagtatanungan umano ng mga Eat Bulaga hosts ng mangyayari sa kanila

- Nabanggit ni Cristy Fermin ang umano'y pagtatanungan ng mga host ng Eat Bulaga

- Aniya, wala rin umanong alam ang ibang mga host sa kung ano ang mangyayari sa kanila

- Nilarawan niya na "Nakaktakot, nakakasurpresa, nakakapagisip" ang posibleng mangyari sa Eat Bulaga

- Matatandaang matapos ang pagbibigay ng pahayag ni Tito Sotto sa nangyayari sa Eat Bulaga ay wala nang inilabas na komento ang mga Jalosjos ng TAPE Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating kay Cristy Fermin ang pagtatanungan umano ng mga host ng Eat Bulaga tungkol sa mangyayari sa kanila sa mga susunod na araw.

Cristy, nabanggit ang pagtatanungan umano ng mga Eat Bulaga hosts ng mangyayari sa kanila
Eat Bulaga Dabarkads (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na matapos ang naging palitan ng mga pahayag nina Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc. at ni Senator Tito Sotto ng Eat Bulaga, hindi na ito nasundan pa ng komento mula sa magkabilang panig.

Read also

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

Sinasabing maging ang mga host ay hindi rin sigurado sa posibleng kahinatnan ng programa dahil sa mga nangyayari.

"Mismong ang mga personalidad pala ng Eat Bulaga pagkatapos ng programa nagtatawagan, ano na? ano na raw ang sabi? Ano na ang latest? Ano na raw ang development? Mga ganun," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman nang minsang matanong daw si Allan K ukol dito, totoong hindi raw nito alam ang mga susunod na magiging ganap.

Dahil dito, tila mas nakakapaisip kung ano raw ba talaga ang magiging hakbang ng Eat Bulaga sa kontrobersiyang patuloy na kinakaharap nito ngayon.

Ani Cristy, posibleng mauwi nga sa demandahan gaya ng inaasahan ang mga kaganapang ito.

"Palagay ko nga totoo 'yung mauuwi ito sa korte. Kasi kapag ganyang nananahimik, 'di ba sabi nga pagka tahimik ang isang kampo. May nilulutong kung anuman sa kusina."

Read also

Cristy, sinabing pati si Joey De Leon ay nabayaran na rin ng TAPE Inc.

"Nakakatakot, nakakasurpresa, nakakapagisip kung aano talaga ang magaganap sa apat na dekadang mahigit nang noontime show," ang paglalarawan pa ni Cristy sa Eat Bulaga.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979. Isa sa kanilang naging regular host ay si Ruby Rodriguez na isa ring aktres at komedyante.

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel