Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

- Naisip umano ni Cristy Fermin si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Eat Bulaga

- Aniya, hanggang ngayo'y palaisipan kung kusa ba itong umalis o inalis sa programa

- Matatandaang natanong na minsan si Ruby ukol dito subalit ang sagot niya'y lalo lang nakapagpaisip sa publiko

- Patuloy mang sumasaere ang longest running noontime show sa bansa, wala pa rin umanong makapagsabi kung ano ang mangyayari sa kanila sa mga susunod na araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Cristy Fermin si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersyang kinakaharap ngayon nga Eat Bulaga.

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga
Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)
Source: Instagram

Matatandaang isa si Ruby Rodriguez sa mga naging host ng nasabing noontime show sa mahaba-habang panahon.

Ano kaya angnararamdaman ngayon ni Ruby Rodriguez na matagal nang wala sa Eat Bulaga sa isang sitwasyon na ang sabi niya, ba't hindi sila ang tanungin niyo?

Read also

Cristy, sinabing pati si Joey De Leon ay nabayaran na rin ng TAPE Inc.

Saka hindi natin alam noon kung bakit nawala si Ruby. Siya ba ay tinanggal o si Ruby ba ang kusang umalis dahil hindi rin siya nababayaran ng talent fee.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, bilib pa rin umano si Cristy kay Ruby na piniling manahimik sa kung ano man ang naging isyu nito sa biglaan niyang pagkawala sa programa.

"Maganda lang na hindi nagsalita si Ruby para hindi magulo 'yung TAPE Inc."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979. Isa sa kanilang naging regular host ay si Ruby Rodriguez na isa ring aktres at komedyante.

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Read also

Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel