Cristy, sinabing pati si Joey De Leon ay nabayaran na rin ng TAPE Inc.

Cristy, sinabing pati si Joey De Leon ay nabayaran na rin ng TAPE Inc.

- Nabanggit ni Cristy Fermin na nabayaran na umano si Joey De Leon ng TAPE Inc.

- Matatandaang una na umanong nabayaran ng nasa Php40 million na pagkakautang ng nasabing kompanya si Vic Sotto

- Nakarating din umano sa kanila na maging sa ilan pang mga talents ng Eat Bulaga ay nagsimula na silang magbayad ng naging pagkukulang sa talent fee

- Matatandaang una nang naglabas ng kanyang pahayag si dating Senator Tito Sotto ukol sa isyu ng Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! nabanggit ni Cristy Fermin na nabayaran na rin umano si Joey De Leon ng TAPE Inc.

Cristy, sinabing pati si Joey De Leon ay nabayaran na rin ng TAPE Inc.
Joey De Leon (@angpoetnyo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nauna nang nabayaran si Vic Sotto ng kulang umano sa talent fee niya na nasa Php40 million at siya mismo ang nagkumpirma nito.

Read also

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

At ngayon, sinasabing maging si Joey ay nabayaran na rin gayundin ang iba nilang mga kasamahan sa Eat Bulaga na hindi agad umano nabayaran ng TAPE INc.

"Ang balita pati si Joey nabayaran na rin. At ang balita, nagbawas na rin sa iba pang mga talents, sa iba pa nilang mga kasamahan."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kapag daw siya ay nabayaran na, ipakikita niya ang resibo. (Joey De Leon) At hanggang ngayon na nag-uusap tayo wala pa namang pinakikitang resibo"

Gayunpaman, nabanggit din ni Cristy wala pa rin umanong kasiguraduhan sa kung ano ang mangyayari sa Eat Bulaga.

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Read also

Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel