Ogie Diaz, nakuha ang panig ni Teacher Georcelle bakit wala ang G-Force sa concert ni Sarah G
- Nakuha ni Ogie Diaz ang panig ni Teacher Georcelle Sy ng G-Force tungkol sa umano'y dahilan bakit wala sila sa 20th anniversary ni Sarah
- Ipinaliwanag ng kilalang choreographer ang panig nila ukol sa nangyari gayung sila na talaga ang gumagawa ng mga sumisikat na sayaw ni Sarah
- Wala rin umanong katotohanan ang tungkol sa umano'y demand letter nila na Php150,000 sa bawat choreo na magagamit sa naturang concert
- Gayunpaman, nilinaw din nilang nagkapalitan parin sila ng mensahe ng pagbati ni Sarah matapos ang matagumpay na concert nito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nahingan ni Ogie Diaz ng pahayag si Georcelle Dapat-Sy, ang artistic director G-Force Dance Corporation. Ito ay ukol sa kapansin-pansing pagkawala ng kanyang grupo sa 20th anniversary ni Sarah Geronimo.
Nalaman ng KAMI na kabi-kabilang mga espekulasyon ang lumabas tungkol sa nangyari lalo na at ang 'Tala' kung saan sila ang gumawa ng dance steps ay hindi rin nagamit sa naturang konsiyerto.
"Hindi daw nagkasundo kaya ayaw ipagamit ni Teacher Georcelle 'yung dance steps, 'yung choreo na mga ginawa for Sarah noon,"
"Lumalabas pa sa Twitter na nabuwisit daw si Boss Vic. Parang may nagsabi pa na ang taas daw maningil kaya raw hindi na inaprubahan ni Boss Vic."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"E may requirement pa si Sarah. Gusto niya maraming dancers. Ito naman ay nakarating lang sa amin, ewan ko kung true. Sabi naman nung kabila, nung GForce, gusto nila limited lang yung dancers. E gusto ni Sarah marami. Ang nagwagi raw sa dulo si Sarah kaya nawala sa eksena ang GForce kaya kumuha na lang ng dancers na mapo-provide siya ng maraming back up."
"Si Teacher Georcelle, sabi ha e parang nagbigay ng demand letter. If ever gamitin 'yung choreo, sa anumang awitin ni Sarah lalo na doon sa Tala, Php150,000 per choreo 'yung sisingilin nila. Kaya kung mapapansin niyo hindi masyadong ginamit 'yung ano ba 'yung mga steps..." ang nasagap umano ni Ogie sa kanyang source.
Gayunpaman, minabuti rin ni Ogie na kunin mismo ang panig ni Teacher Georcelle sa pangyayaring ito na agad naman siyang nabigyan ng kasagutan.
"We've been training her and G-Force have been dancing with her for 16 years. She's looking for growth as an artist and as a person. She wants to try other things. There were artistice differences ang I wanna support her as she embarks on this new chapter even if it means stepping out for a while. Mama Ogs, I did everything out of love and respect for her as an artist and a friend. (Parang love team kami for 16 years, but this year gusto niya to try other things) This process was painful for G-Force. Most of them cried, especially the choreographers who have been training hard to bring out the best in her. It's like a break up. SG wants something else, I want her to exercise that artistic freedom. But it's also my right to exercise my artistic freedom. I had to pull out two months ago in March Of Course my team will always understand and respect my decision. This is me encouraging SG to experience that creative freedom and to be the ultimate decision maker in producing and directing her 20th anniversary concert"
Nilinaw din ni Teacher Georcelle na walang katotohanan ang kumakalat na umano'y nagpadala siya ng demand letter sa producers ng concert ng Popstar Royalty.
"Mama Ogs, OMG. Demand? Why will I demand? Wala ako sa position to demand for anything especially when no work is delivered but I can quote for the price of the use of my copyrighted works. I sent a personal letter not a demand letter. I did not demand. Not being a part of her 20th is my gift of freedom so she can fully express her creative dreams"
Gayunpaman, nagkapalitan umano ng mensahe sina Sarah at Teacher Georcelle nang magkabatian sila sa 20th anniversary ng Popstar royalty sa entertainment scene.
"Our relationshop should be okay and not be affected by public opinion," giit pa ni Teacher Georcelle.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:
Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.
Nito lamang May 12, isa na namang sold out concert ni Sarah ang natapos kung saan nagdiwang siya ng kanyang ika-20 taon sa showbiz.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh