Sarah G, todo puri ni Cristy Fermin: "'Di ba naman, napakasarap niyang tularan"

Sarah G, todo puri ni Cristy Fermin: "'Di ba naman, napakasarap niyang tularan"

- Todo puri ni Cristy Fermin si Sarah Geronimo bilang isang mabuting asawa at isa rin umanong mabuting anak

- Sa kabila ng mga naging usap-usapan sa pagpapakasal ni Sarah, wala umanong nanggaling na pahayag mula kay Sarah na makasisira sa kanyang mga magulang

- Kaya naman hiling nina Cristy na sana'y magkaayos na sina Sarah at ang kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin

- Tulad ng marami isa sa sinasabing aabangan sa anniversary concert ni Sarah sa Mayo ay kung darating ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Cristy Fermin si Sarah Geronimo sa lahat halos ng aspekto umano ng buhay nito.

Sarah G, todo puri ni Cristy Fermin: "'Di ba naman, napakasarap niyang tularan"
Sarah G kasama ang mister na si Matteo (@justsarahgph)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na mula umano sa pagiging isang mabait na anak hanggang sa pagiging isang mabuting asawa ni Matteo Guidicelli ay tunay raw na kahanga-kahanga itong si Sarah ayon kay Cristy.

Read also

Anne Curtis, apektado rin nang maging emosyonal si Kulot

"At saka, mabuting anak at kapatid talaga siya. Mula nang ikasal sila ni Mattepo Guidicelli, hanggang ngayon wala po tayong nanininig na anumang paghihiganti," ani Cristy.

Kapansin-pansin ding sa tindi ng kontrobersiyang bumalot sa kanyang biglaang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli ay hindi kailanman nagsalita si Sarah ng bagay na maari lang makasira sa kanyang mga magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagkus, madalas pang maibalita kung gaano na umano ka-miss ni Sarah ang kanyang pamilya.

Ayon pa kay Cristy, madalas na sa pasasalamat ni Sarah sa kanyang tinatamasang blessings, ang kanyang mga magulang ay una pa rin sa kanyang mga pinasasalamatan.

"Nakita naman natin sa kanyang pinasasalamatan, una pa rin ang kanyang mga magulang. Daddy Delfin at Mommy Divine pa rin ang nangunguna sa tinatanawan niya ng utang na loob. 'Di ba naman napakasarap niyang tularan"

Read also

Rendon Labador, kumalas na raw sa Episode Bar + Kitchen

Kaya naman hiling nilang sana'y magkaayos na talaga sina Sarah at kanyang mga magulang.

Ito rin umano ang inaabangang mangyari sa paparating na anniversary concert ni Sarah. Ito ay kung dadalo ang kanyang mga magulang upang siya ay suportahan.

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres.

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit umano nina Cristy Fermin ng Showbiz Now Na! na awang-awa na umano si Matteo Guidicelli sa kanyang misis sa sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Katunayan, ito pa raw umano ang nagpabura noon ng post ni Sarah na umano'y humihingi pa rin ng tawad sa kanyang pamilya.

Kamakailan, napag-usapan din nila sa naturang YouTube channel ang tungkol sa lungkot sa mga mata ni Sarah. Napansin din umano nina Cristy na tila sina Sarah at kanyang pamilya ang napag-iwanan sa mga hindi pa rin nagkaayos na problema sa mga showbiz personalities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel