Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

- Hayagang nasabi ni Cristy Fermin na wala na umano siyang sama ng loob kay Willie Revillame

- Matatandaang nagkaroon sila ng 'di pagkakaunawaan dahil umano sa pasaring ng TV host ng Wowowin

- Agad namang nag-sorry noon si Willie at sinabing nagkamali umano siya ng akala sa kanyang Nanay Cristy

- Ayon naman kay Cristy, isinaalang-alang niya ang magandang pinagsamahan nila ni Willie noon pa man kaya't wala na umano siyang sama ng loob rito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Cristy Fermin na wala na umano siyang sama ng loob kay Willie Revillame.

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame
Willie Revillame (@alltvph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maging ang kasama ni Cristy sa Showbiz Now Na! na si Romel Chika ay matagal nang gustong usisain sa ang tungkol sa umano'y hindi pagkakaunawaan nina Cristy at Willie.

Read also

Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"

"Alam niyo kapag hinalukay niyo ang puso ko, wala nang makikitang galit.Unang-una po, napakaganda ng pinagsamahan para masira lamang ng iisang dahilan.
"Pangalawa, kapag po tayo ay nagagalit sa isang tao, para po tayong may apoy sa ating mga kamay. Tayo po ang napapaso, baka yung kinaiinisan natin, kumakanta pa sa karaoke. Kaya dapat po talaga inaalis ang galit, inaalis ang tampo, inaalis ang lahat para wala po tayong problema sa stress, 'yun yun."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"At alam po nating stress po ang pinag-uugatan ng mga sakit. Alisin po natin 'yun. Makita mo, ang iyong gabi ay tahimik, Meron kang kapayapaan ng kalooban. Ang puso mo, hindi mo iniintindi kasi alam mo, kakaganyan lang po ang puso lalamnan pa ba natin ng galit. Gasuntok lang po, sayang kung magkakasakit tayo nang dahil doon"

Read also

Xian Gaza, hanga kay Whamos Cruz: "Nawa'y tularan kayo ng ibang influencers"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Matatandaang nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sina Cristy Fermin at Willie Revillame dahil sa umano'y naging pasaring ni Willie sa taong pinaniniwalaan ng si Cristy.

Isang araw matapos na mangyari ito sa programa niya noon na Wowowin. inamin niyang si Cristy nga ito at humingi na umano ng sorry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel