Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"

Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"

- Magkakaroon umano ng US concert tour si Willie Revillame ayon sa source ni Cristy Fermin

- Aniya, ang naturang concert ay sa pamamahala ng ni Vic Del Rosario ng VIVA

- Ani Cristy, tiyak na dadagsain na naman ito ng mga kababayan natin sa Amerika gayung minsan na siyang naging saksi sa USA tour nito

- Hangad niyang maging matagumpay ang concert na ito ni WIllie na umano'y nakapahinga ng ilang buwan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating umano kay Cristy Fermin na magkakaroon ng concert sa Amerika si Willie Revillame.

Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"
Willie Revillame (@alltvph)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na posibleng maganap na ito sa susunod na buwan.

"Talaga pong nagkaroon ng pagkakataon ay ang publiko talaga ay yumakap ng matindi kay Willie Revillame. At yun pa rin po ang hangad ko hanggang ngayon. Na sana itong US tour niya ay maging malaganap at matagumpay dahil tayo naman po ang hinahangad natin sa ating kapwa ay maganda."

Read also

Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post

"Kung palagay niya dito ay hindi kagandahan ang pananaw sa kanya ng ating mga kababayan, mangibang bansa muna siya. Kasi pala yung mga staff niya, pinagpahinga muna niya"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ani Cristy na saksi umano sa mga nagdaang concert ni Willie Revillame na talagang dinadagsa ng kapwa nating Pinoy sa ibang bansa.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Willie Revillame ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Read also

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

Naging matunog ang kanyang pangalan kamakailan dahil sa pagsasara ng ilang programa ng AMBS2 at ALLTV. Inakala kasi ng marami na kasama rin dito ang kanyang programang Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel