Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post

Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post

- Maging si Moira dela Torre ay napansin ng mga netizens na wala na ring mga pictures at post sa kanyang Instagram page

- Kung pagbabasehan ang mga naunang pangyayari kagaya sa ginawa ni Liza Soberano, ayon sa ilang netizens ay maaring gusto ng mang-aawit ng panibagong simula

- Hindi naman malinaw kung naka-archive lamang ang kanyang mga posts o binura niya na ang mga ito

- Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nilalabas na pahayag si Moira tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kapansin-pansin ang Instagram account ni Moira dela Torre na walang makikitang post. Hindi pa malinaw kung naka-archive lamang ang kanyang mga posts o binura niya na ang mga nauna niyang posts.

Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post
Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Hindi naman na ito bago dahil may ilang mga celebrities na gumawa na nito at kadalasan ay panibagong simula ang kadalasang kanilang mga dahilan. Ayon sa ilang netizens ay maaring gusto ng mang-aawit ng panibagong simula.

Read also

Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume

Wala pang nilalabas na pahayag si Moira kaugnay dito ngunit hindi na rin ito naging palaisipan sa mga netizens lalo at hindi lingid sa kaalaman ng marami ang tungkol sa pinagdaanan nito.

Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post
Moira dela Torre, wiped out ang lahat ng Instagram post (@moiradelatorre)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga mensahe ng kanta niya sa kanyang personal na karanasan. Kabilang nga sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng pagloko sa kanya ng maraming beses.

Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date. Sagot naman ni Moira ay naging blind na daw siya sa pag-ibig dati at ayaw niya na raw. Marami ang naaliw sa kwelang mga sagot ni Moira sa mga komento ng netizens sa kanyang social media posts.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel