Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume

Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume

- Minabuti ni Rica Peralejo na sagutin ang komento kaugnay sa post niya kung saan nakasuot silang pamilya ng Halloween costume

- Ilang netizens ang kumuwestiyon kung bakit daw sila sumasali sa ganun gayong mga Christian sila

- Katwiran ni Rica, naniniwala sila na kung tungkol lang sa pag-cosplay at hindi yung mga demonic practices ay walang mali sa kanilang ginagawa

- Maging ang kanyang asawang pastor ay pinuna pa ng ilang nagkomento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Rica Peralejo ang mga nagkomento at kumwestiyon sa kanilang pagsuot ng Halloween costume gayong mga Christian daw sila. Aniya, naniniwala sila na kung tungkol lang sa pag-cosplay at hindi yung mga demonic practices ay walang mali sa kanilang ginagawa.

Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume
Rica Peralejo, sinagot ang mga nangbatikos sa pagsuot nila ng Halloween costume (@ricaperalejo)
Source: Instagram
If you mean halloween to be demonic practices and evil stuff ofc no one should. But if by halloween we mean a big costume part with treats for kids, like a whole day candy affair, then I don’t see why not.

Read also

Rendon, ginawang motivation ang nasabi noon ng kanyang ama na wala umano siyang kwenta

Hindi din pinalampas ni Rica ang isang komento na ayon kay Rica ay arogante.

The arrogance in this statement is leaking. Sometimes, the religious are most blind they cannot see.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Rica Peralejo ay unang nakilala nang maging bahagi ng "Ang TV." Kabilang ang mga palabas na Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin sa mga ginawa niyang TV projects. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya nang ikasal siya sa mister na si Joseph Bonifacio. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang saya sa pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong ipa-renovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pina-renovate na bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel