Rendon, ginawang motivation ang nasabi noon ng kanyang ama na wala umano siyang kwenta

Rendon, ginawang motivation ang nasabi noon ng kanyang ama na wala umano siyang kwenta

- Naikwento ni Rendon Labador ang tungkol sa nasabi noon sa kanya ng kanyang ama

- Isa itong heneral kaya naman nasabi nitong kinakabigan lang si Rendon dahil sa kanyang posisyon

- Na kung mawala raw ito, wala raw umanong kwenta si Rendon

- Sa kabila ng negatibong pahayag nito, ginawang motivation ito ni Rendon upang siya ay magsumikap at magkaroon ng sarili niyang pangalan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapang na naibahagi ni Rendon Labador ang tungkol sa minsang naging komento sa kanya ng kanyang ama.

Rendon, ginawang motivation ang nasabi noon ng kanyang ama na wala umano siyang kwenta
Rendon Labador (Rendor Labador FB)
Source: Facebook

Aniya, ito ang ginawa niyang motivation para magsumikap na bumuo ng sarili niyang pangalan.

"Anak po ako ng general. Pinalaki talaga kami ng military discipline. Siyempre kapag anak ka ng general, mataas yung expectation sa ’yo.
"So, ayun yung ginawa sa amin tapos hilig ko lang kasi noon nagi-gym lang ako, happy go lucky, so minamaliit kami

Read also

Ed Caluag, ipinaliwanag ang umano'y lalaking nakita ni Aiko Melendez: "Attracted siya sa'yo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang sabi sa akin ni Erpat, 'kaya ka lang kinakaibigan ng mga kaibigan mo ngayon dahil general ako. Ikaw wala kang kwenta. Who you ka! Kapag ako nag-retire or nawala na ako, wala nang papansin sa'yo. Pinapansin ka lang ng tao dahil may makukuha sila sa'yo.’"
"So, nu'ng sinabi sa akin ng Erpats ko yun napaisip ako. Bata pa lang ako nagising ako sa katotohanan. Doon ako nagsimulang mangarap," paliwanag ni Rendon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Tune in kay Tunying YouTube:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Rica Peralejo sa nangbatikos sa kanya: "Nakakabulag ang self righteousness"

Kabi-kabila ang isyu na umano'y binigyang opinyon ni Rendon. Mula sa naging isyu noon nina Moira Dela Torre at dating asawa nitong si Jason, pambabatikos kay Michael V hanggang sa pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ay kanyang nabigyang komento.

Kamakailan nga ay ang patuloy pa ring isyu ng It's Showtime at MTRCB ang kanyang natalakay. Maging kay Vice Ganda na Gayundin ang 'lubid' joke ni Joey De Leon. Samantala, naging panauhin siya ni dating Manila Mayor Isko Moreno kung saan nabigyang pagkakataon siyang mas linawin ang mga isyung noo'y naibabato sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel