Ed Caluag, ipinaliwanag ang umano'y lalaking nakita ni Aiko Melendez: "Attracted siya sa'yo"

Ed Caluag, ipinaliwanag ang umano'y lalaking nakita ni Aiko Melendez: "Attracted siya sa'yo"

- Ipinaliwanag ni Ed Caluag ang umano'y nakita ni Aiko Melendez

- Isinama siya nito sa isang sementeryo kung saan pinahawak ni Ed ang isang puno kay Aiko

- Nabalot ito ng kababalaghan nang makailang beses na makita ni Aiko ang imahe ng isang lalake

- Siniguro naman ni Ed Caluag na dumaan si Aiko sa proseso ng cleansing upang hindi na magambala pa ng naging epekto nito sa nakitang imahe

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging panauhin ni Councilor Aiko Melendez ang paranormal investigator na si Ed Caluag.

Ed Caluag, ipinaliwanag ang umano'y lalaking nakita ni Aiko Melendez: "Attracted siya sa'yo"
Ed Caluag at Aiko Melendez (Aiko Melendez YouTube channel)
Source: Youtube

Nagtungo sa sila sa isang sementeryo na inaasahang maraming kwentong kababalaghan.

Sa kanilang paglalakad, nakita nila ang isang puno. Pinahawakan ni Ed ang naturang puno kay Aiko at tinanong kung ano ang naramdaman nito.

Makailang beses na imahe ng lalaki ang nakita ni Aiko sa kanyang pagpikit.

Read also

Rica Peralejo, inakusahang namumuhay nang marangya: "Ni hindi nga ko bumibili ng designer bags"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad naman itong pinaliwanag ni Ed. "That's not a good idea. Kaya siya laging nagpapakita sa inyo, kasi parang attracted siya sa'yo."

Dahil dito, siniguro rin ni Ed na dumaan sa proseso Aiko upang hindi na magambala pa ang kanilang nakita.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod. Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa ama ni Andre na si Jomari Yllana.

Read also

Alex Gonzaga at Mikee Morada, sina Ellie at Carl ng pelikulang 'Up' ang Halloween costume

Sa kanyang YouTube channel din makailang beses napanood ang kilalang psychic na si Jovi Vargas na nakapagbigay ng kanyang mga nakikita sa showbiz. Isa na rito ang tungkol sa tambalang LizQuen na tila nangyayari na nga sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel