Aiko Melendez, napa 'oh my God!' sa umano'y takbo ng relasyon ng LizQuen ayon kay Jovi Vargas
- Natanong ni Aiko Melendez sa panayam niya sa psychic na si Jovi Vargas ang tungkol sa relasyon ng LizQuen ngayong 2022
- Napa- oh my God si Aiko nang sabihin ni Jovi na magkakaproblema ang isa sa mga love team na ito sa showbiz
- Samantala, pahinga naman umano sa hiwalayan ang iba pang showbiz couples
- At good news din umano para sa mga KathNiel Fans sa posibleng pag-level up ng relasyon ng kanilang idolo bago umano matapos ang taon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
"Oh my God!" ang naging reaksyon ni Aiko Melendez nang sabihin ni Jovi Vargas ang tungkol sa itatakbo ng relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil ngayong taon.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naitanong ni Aiko sa psychic na si Jovi Vargas nang maging panauhin niya muli ito sa kanyang YouTube channel.
"Magkakaroon ng konting problema sa babae. 'Yung partnership nila magkakaroon ng konting pagbabago, ang reason niyang nasa babae. Siya 'yung magdedesisyon. Kumbaga sa ano, stop muna ako kay ano... Ito muna 'yung gusto ko," sni ni Jovi.
"Kasi itong si... 'Yung babae si Liza, may babaguhin siyang parang character. Kumbaga gagawa siya ng panibagong pangalan sa showbiz. Hindi na ito yung dating si Liza. So mas ibang Liza ito."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinegundahan naman ito ni Aiko na nabanggit ang tungkol sa pagpasok ni Liza sa Hollywood na siyang bagong career move para sa kanya.
Marami ang nakatutok sa bagong tinatahak na ito ni Liza lalo na ang kanilang mga fans na nakaabang din sa takbo ng relasyon nila ni Enrique. Kamakailan lamang ay nabanggit ni Liza sa isang interview matatag pa rin naman ang real-life romance nila ni Enrique.
Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod.
Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 800,000 na subscribers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh