Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda

Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda

- Ani Janice De Belen, kinabahan siya sa eksena nila ni Vice Ganda sa It's Showtime

- Ang tinutukoy nito ay ang kanilang eksena sa Tawag ng Tanghalan segment kung saan naglabas si Vice Ganda ng chicharon

- Kamakailan lang din nang mag-trending ang nakakaaliw na reaksiyon ni Janice nang hindi sinasadyang ilayo ni Vice Ganda sa kanya ang chicharon dahil hindi siya nito nakita

- Ayon kayJanice, kinabahan siya sa kanilang eksena pero nag-enjoy din sya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Janice De Belen na ninerbiyos siyang kaeksena si Vice Ganda sa kanilang nakakaaliw na aktingan sa Tawag ng Tanghalan segment ng It's Showtime. Aniya, kahit ninerbiyos siya ay masaya ang kanyang experience.

Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda
Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda(@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ang tinutukoy nito ay ang biglaan nilang aktingan matapos ang pagkanta ng isang contestant. Umakting silang nagsasagutan ni Vice na humantong sa paglabas ni Vice ng mga chicharon.

Read also

Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting

Kamakailan lang din nang mag-trending ang nakakaaliw na reaksiyon ni Janice nang hindi sinasadyang ilayo ni Vice Ganda sa kanya ang chicharon dahil hindi siya nito nakita. Hirit pa ni Vice, may closure na ang kanilang isyu sa chicharon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Janice De Belen sa di-sadyang pag-iwas ni Vice Ganda ng chicharon sa kanya: "Humanda ka na"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel