Rendon sa mga nais pumayat pero walang diet at exercise: "Niloloko niyo ba ako?"

Rendon sa mga nais pumayat pero walang diet at exercise: "Niloloko niyo ba ako?"

- Sinabi ni Rendon na tila kalokohan umano ang mga nagsasabing nais nilang pumayat ngunit walang exercise

- Isa kasi ito sa mga sitwasyong naibigay sa panayam sa kanya ni Isko Moreno

- Ani Rendon, unfair umano sa kanila na may exercise at nagsasakripisyo para mapanatili ang kanilang pangangatawan

- Si Rendon ay isa umanong motivational speaker na kilala rin sa pagbibigay ng mga maanghang nakomento sa maiinit na isyu ngayon sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May maanghang na komento si Rendon Labador tungkol umano sa mga nagsasabing nais nilang pumayat subalit ayaw nilang mag-exercise.

Rendon sa mga nais pumayat pero walang diet at exercise: "Niloloko niyo ba ako?"
Photo: Rendon Labador
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naibigay na sitwasyon ni dating Manila city Mayor Isko Moreno nang kapanayamin siya nito sa Iskovery nights.

"Gusto mo sampalin ko kayo? Niloloko niyo ba ako?" matapang na bunagad ni Rendon

Read also

Rendon Labador sa mga lalaking may mga asawang talak nang talak: "Iwan mo na agad"

"Gusto mong pumayat ta's ayaw mo mag-diet? Unfair naman yung samin. Nagdaidiat kami tapos nagpapakahirap kami ta's ikaw, gusto mo gumanda 'yung katawan mo.Niloloko mo 'yung sarili mo."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Wag kayong lalapit sa'kin pag ganun tanong niyo. Sasampalin ko kayo... ng katotohanan. Baka mamaya magalit na naman kayo sa'kin. Mga Pilipino mahilig sa ano e, jinujudge ako agad. Pakinggan niyo muna kasi," ani Rendon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Isko Moreno Domagoso YouTube channel:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Read also

Cristy Fermin sa isyu ng pagiging ama ni Paolo Contis: "Wag nasasaktan kapag totoo"

Gayundin sa isyu kamakailan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez na muling naungkat dahil sa bagong music video nang nahuli. Ipinagtanggol ni Rendon si Moira gayundin si Zack Tabudlo na nadawit ang pangalan sa kontrobersiya.

Maging sa pagiging host ni Paolo Contis ng "Eat Bulaga" ay nabigyang komento ni Rendon kung saan sinabi nitong "sustento muna bago papremyo."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica