Cristy Fermin sa isyu ng pagiging ama ni Paolo Contis: "Wag nasasaktan kapag totoo"

Cristy Fermin sa isyu ng pagiging ama ni Paolo Contis: "Wag nasasaktan kapag totoo"

- Nasabihan umano ni Cristy Fermin si Paolo Contis patungkol sa pagiging balat-sibuyas umano nito

- Ito ay kung pag-uusapan umano ang pagiging isang ama ni Paolo Contis na pinag-usapan umano ng publiko

- Ani Cristy, hindi maaring magpakabalat sibuyas si Paolo kung mayroon itong pagkukulang

- At ang tanging makakaresolba umano ng isyu na ito ay ang gampanan ang mga obligasyon nito sa kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin tungkol kay Paolo Contis patungkol sa pagiging balat-sibuyas umano nito noong nakaraang Father's Day.

Cristy Fermin sa isyu ng pagiging ama ni Paolo Contis: "Wag nasasaktan kapag totoo"
Photo: Paolo Contis
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na diretsahang nasabi ni Cristy na hindi dapat nagpapaka-balat sibuyas si Paolo sa naipupukol sa kanya ng publiko.

"Hindi ka pipwede Paolo na magpakabalat sibuyas na meron kang pagkukulang. Magiging maayos lang ang buhay mo kapag lumaban ka ng parehas."

Read also

Cristy Fermin, muling pinayuhan si Paolo Contis: "'Wag kang pikon, magpakatotoo ka"

"Nasa mundo ka ng showbiz. Tinatakan ka bilang lalake na nagkaroon ng mga anak na hindi mo sinusustentuhan. HIndi mo binibigay ang ibligasyon na dapat ay iyo. 'Wag kang nasasaktan, katotohanan 'yun e."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinayuhan pa niya ito na tanging ang paggampan nito sa kanyang obligasyon bilang ama ang siyang solusyon upang hindi na siya makatanggap ng batikos sa publiko.

"Ngayon kung ayaw mo na yan ang ibinabato sa pagkatao mo, gawin mo yung obligasyon mo. 'Yun lang makagagamot diyan. Lumaban ka ng parehas. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan ng kalooban hanggang hindi ka lumalaban ng parehas.Wag nasasaktan kapag totoo"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Read also

Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo

Samantala, naging usap-usapan din si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel