Paolo Contis, nagpasalamat: "Unang Sabado po namin, congratulations to us!"
- Pinasalamatan ni Paolo Contis ang mga sumuporta sa unang linggo nila sa 'Eat Bulaga'
- Bukod sa mga taong patuloy na tumatangkilik pa rin sa programa, pinasalamatan niya ang mga crew at staff
- Sila umano ay may mahalagang gampanin upang matagumpay pa rin ang kanilang programa
- Aniya, malaking bagay ang patuloy na paghahanapbuhay ng staff at crew dahil ito ay pangtustos umano nila sa kanilang pamilya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Emosyonal ang naging pasasalamat ni Paolo Contis nang maabot nila ang unang Sabado ng kanilang pagiging bagong mga Eat Bulaga hosts ngayong Hunyo 10.
Nalaman ng KAMI na nagbigay pugay si Paolo hindi lamang sa mga manonood ng programa kundi maging sa staff at crew na naging bahagi ng umano'y matagumpay na unang linggo nila bilang bagong hosts ng Eat Bulaga.
"Mga Dabarkads, unang Sabado po namin ngayon. Guys, congratulations to us, naka isang linggo tayo. Lahat ng pagod, lahat ng effort na araw araw makasama namin kayo, lahat ng pangaalipusta, lahat ng pambabash, lahat ng pagmumura sa amin ng mga tao, lahat po 'yan, inspirasyon namin 'yan to do better. Binabasa po namin lahat 'yan pero siyampre 'yung magagandang comments nababasa rin po namin 'yan kaya maraming maraming salamat po sa inyo,"
""Ang 'Eat Bulaga' po, hindi lang po kami 'yan, hindi lang po mga artista 'yan, kasama po lahat ng nasa likod ng camera para maitaguyod po namin 'yung programa para sa inyo. Ngayon, 'pag nagkaiwanan, ang pinaka apektado po, sila. Kasi kaming mga artisa, may iba kaming show, may iba kaming puwedeng pagkakitaan. Ito po ang kabuhayan nila,"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Facebook page na Eat Bulaga Na:
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.
Source: KAMI.com.gh