Cristy Fermin, muling pinayuhan si Paolo Contis: "'Wag kang pikon, magpakatotoo ka"

Cristy Fermin, muling pinayuhan si Paolo Contis: "'Wag kang pikon, magpakatotoo ka"

- Muling pinayuhan ni Cristy Fermin si Paolo Contis na kamakailan ay may napatulan umano na basher

- Kasabay ng kanya kasing pagiging host sa 'Eat Bulaga' sa GMA7, ay ang pang-uukilkil ng netizens sa 'di niya pagsustento sa mga anak

- Ani Cristy, hindi rin tama ang mga katagang nagamit nito laban sa basher na animo'y pagbabanta

- Nararapat na lamang umanong tanggapin ni Paolo ang mga komento lalo pa't nakapagsabi siya minsan na siya na lamang ang i-bash at huwag ang mga kasamahan niya sa 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nabigyang komento nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvares patungkol sa isyu na kinasasangkutan pa rin ni Paolo Contis.

Cristy Fermin, muling pinayuhan si Paolo Contis: "'Wag kang pikon, magpakatotoo ka"
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ito sa naging komento at reaksyon ni Paolo sa pahayag sa kanya ng isang netizen.

Read also

Gerald, sa kung kailan magpo-propose kay Julia: "Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan"

"Minarkahan si Paolo Contis kasi naghahamon siya. Naghahamon siya sa mga taong hindi niya kakilala."

Nilinaw ni Cristy na ang hindi pagsustento umano ni Paolo sa mga anak ang siyang nasisilip sa kanya ng netizens.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang binibira ng ating mga kababayan lalo na ng mga bashers mo 'yung kawalan mo ng responsibilidad. 'Yung obligasyon mo bilang tatay na hindi mo tinutupad sa iyong mga anak"
"'Yun lang naman ang ibinabato sa iyo. Pabigay-bigay kayo ng pera sa show, 'yung anak mo hindi mo sinusustentuhan. 'Yun lang naman 'yun. Hindi ka pinepersonal. Sana pinepersonal ka ng mga bashers, yung tungkol sa obligasyon mo na hindi mo tinutupad, 'yun ang inuukilkil sa'yo."
"Dapat alam ni Paolo Contis kung saan nagsisimula at nagwawakas 'yung pagpuna sa'yo ng publiko. 'Wag kang pikon. Magpakatotoo ka. Saka 'wag mo nang sinasabi 'yung 'sana ako na lang ang i-bash niyo. Kasi hindi mo naman kayang panindigan"

Read also

Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Paolo Contis ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at hanggang ngayon at aktibo pa rin sa showbiz. Katunayan, isa si Paolo sa napiling maging host ng Eat Bulaga matapos na lisanin nina Tito, Vic at Joey ang TAPE Inc. noong Mayo 31.

Samantala, naging usap-usapan din si Paolo dahil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at labis ding gumawa ng ingay ang isyu sa pagiging ama ni Paolo na aminadong hindi nakapagbibigay umano ng sustento sa mga anak. Kabi-kabilang pambabatikos ang natamo ng aktor dahil dito at hanggang ngayon ay tila hindi pa ring humuhupa ang kontrobersiyang ito tungkol sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel