Cristy, sa pahayag ni Paolo Contis ukol sa sustento: "Hindi ko matanggap yung ibang mga katwiran"

Cristy, sa pahayag ni Paolo Contis ukol sa sustento: "Hindi ko matanggap yung ibang mga katwiran"

- Maging si Cristy Fermin ay umalma kay Paolo Contis sa naging pahayag nito tungkol sa sustento sa kanyang mga anak

- Hindi umano katanggap-tanggap para sa kanya ang ilang katwiran ni Paolo bakit hindi siya nakapagbibigay sa mga anak

- Aniya, mahal niya si Paolo subalit hindi siya nito kakampi sa mga nasabi nito kamakailan sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

- Naging kontrobersyal at inalmahan talaga ng marami ang pahayag na ito ni Paolo lalong-lalo na ng mga single mom

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Cristy Fermin ay nagbigay pahayag sa kontrobersyal na interview ni Boy Abunda kay Paolo Contis.

Cristy, sa pahayag ni Paolo Contis ukol sa susento; "Hindi ko matanggap yung ibang mga katwiran"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na nabanggit ni Paolo ang hindi umano niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.

Read also

Cristy Fermin, ipinagtanggol si KC: "Hindi simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion"

Ayon pa kay Paolo, hindi man siya nakapagbibigay ngayon ay naglalaan siya ng halagang maibibigay sa mga anak sa future.

Ito ang pahayag na maging si Cristy Fermin ay hindi matanggap ang naging katwirang ito ni Paolo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ko matanggap yung ibang mga katwiran ni Paolo lalo na yung tungkol sa sustento sa mga anak. Bilang isang ina, hindi ko po yung pipwedeng pangalawahan," ani Cristy.

"At katwiran ko naman, bakit di mo ngayon ibigay? Ito yung growing up years ng mga anak mo. Ngayon nila kailangan ang iyong sustento hindi sa mga darating pang mga araw... Kailangan ng mga bata yung singko mo ngayon... Para panindigan mo na ikaw ay responsableng ama ng tahanan," paliwanag pa niya.

Aniya, mabuti na lamang daw at napakabait ng partner ngayon ni Lian Paz na siyang tumatayong ama ng mga anak ni Paolo.

Read also

Ogie D, may paalala kay Boobay; "Siyempre ang mga producers, baka matakot din sila"

"Pasalamat si Paolo na nakakita si Lian ng isang kaluluwa na kayang mahalin ang kanilang mga anak ni Paolo. Bibihira po 'yung ganitong lalake. Binibigyan po yan ng korona. 'Yang ganyang tao."

Matatandaang sa naturang interview rin ni Boy Abunda kay Paolo ay pinasalamatan at binigyang pugay niya ang kabutihan ng partner ni Lian na si John Cabahug.

"Pero ikaw ba na isang lalake, mamatamisin mo na na ibang lalake pa ang may concern, ang may malasakit sa anak mo kay Lian at hindi ikaw?" ani Cristy.

Kaya naman kahit na malapit umano sa puso ni Cristy si Paolo, hindi naman niya masang-ayunan ang naging kontrobersyal na pahayag nito.

"Si Paolo Contis, mahal ko. Nakita ko ang kanyang pagsisimula. Mahal ko si Paolo walang problema. Pero sa punto ng sustento, pagmamahal, pagmamalasakit... Hindi niya ako kakampi"

Gayunpaman, mayroon pa ring isang bagay na hinangaan si Cristy sa pagsasama nina Paolo at LJ Reyes at ito ay ang pagmamalasakit at pagpapakita rin ng pagiging ama ni Paolo sa anak ni LJ na si Akhi kay Paulo Avelino.

Read also

Xian Gaza, pinasalamatan ang stepfather ng kanyang anak

Pinakaaabangan ng marami ang patuloy na pagbibigay ng mga latest showbiz chika ng kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Katunayan, mayroon na silang mahigit 300,000 subscribers sa kanilang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel