Ogie D, may paalala kay Boobay; "Siyempre ang mga producers, baka matakot din sila"

Ogie D, may paalala kay Boobay; "Siyempre ang mga producers, baka matakot din sila"

- Nagmalasakit na pinaalalahanan ni Ogie Diaz si Boobay na pangalagaan nito ang kanyang sarili

- Ito ay matapos na pansumandali itong mag-hang sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ni Boy Abunda

- Ani Ogie, baka matakot umano na kunin ng mga producers ng out of town shows si Boobay dahil sa nangyari

- Isang halimbawa na naibigay umano ni Ogie D ay ang nangyari sa komedyante rin na si Chokoleit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinaalalahanan ni Ogie Diaz ang komedyanteng si Boobay matapos na ito ay mag-hang habang nakasalang siya sa interview sa programang Fast Talk with Boy abunda.

Ogie D, may paalala kay Boobay; "Siyempre ang mga producers, baka matakot din sila"
Norman Balbuena "Boobay" (@boobay7)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan ito kamakailan dahilan nakunan ang aktwal na nangyari kung saan hindi nagdalawang-isip si Boy Abunda na lapitan at yakapin ni Boobay nang tila ito'y pansamantalang tumulala na lamang.

Read also

Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18

"Pero alam mo, may nakausap nga ako na isang kaibigan ni Boobay na madalas daw pala ang episodes nito na nagha-hang si Boobay. Sabi e, first time na nangyari sa TBATS na siya ay nag-hang din," ani Ogie D.

Ito ay epekto umano ng pagkaka-stroke niya noong taong 2016, gayundin ang matinding ilaw sa set at pagod sa trabaho.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero bumabalik naman daw sa kamalayan si Boobay after 10 to 15 seconds. Kaya nung nag-commercial, pagbalik okay na siya," dagdag pa ni Ogie.

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Ogie Diaz si Boobay na alagaan ang sarili at isa na rito ay ang regular na check-up sa doktor lalo na at minsan na itong na-stroke.

Pangamba kasi ni Ogie, baka sa nangyari, mabawasan na ang maarin kumuha kay Boobay lalo na ang mga producers ng out of town shows.

Read also

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

"Siyempre ang mga producers ng mga out of town shows, out of the country, baka matakot din sila." ayon kay Ogie.

"Kaya dapat, alagaang mabuti ni Boobay ang kanyang sarili. At siguro ang trabaho ay hindi lagare in one day lalo na't may ganoong karamdaman," giit pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. Naging regular host din siya ng programang, “Celebrity Bluff”gayundin ng programa nila ni Super Tekla ang The Boobay and Tekla Show.

Maaalalang isa si Marian Rivera sa mga tumulong kay Boobay nang ma-stroke ito noong 2016. At nang pinasalamatan niya si Marian Rivera, talagang naiyak si Boobay dahil naniniwala siyang wala na sana siya ngayon kung hindi sa labis na pagmamalasakit sa kanya ng Kapuso actress.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel