Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

Zeinab Harake, emosyonal sa speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase

- Emosyonal sina Zeinab at Rana Harake sa speech ng kanilang baby Lucas

- Si Lucas kasi ang rank one sa kanilang klase at nakatanggap din ng maraming awards sa kanilang recognition day

- Naikwento pa ni Rana na hindi agad nalaman ni Zeinab na valedictorian ang kanyang unang baby na si Lucas

- Matatandaang madalas na ipagmalaki ni Zeinab at talagang proud mom ito nina Lucas at Bia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha nina Rana at Zeinab Harake sa recognition day ng kanilang unang baby na si Lucas.

Zeinab Harake, emosyonal speech ng anak na si Lucas na rank one sa kanilang klase
Zeinab, Lucas and Rana Harake (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na wala umanong alam si Zeinab na rank 1 si Lucas sa kanilang batch sa paaralan.

Kwento ni Rana, surpresa nila ito kay Zeinab na inakalang 2nd si Lucas at hindi first.

Read also

Kris Aquino, pinagdasal na buhay pa siya hanggang tumuntong si Bimby ng 18

Kaya naman nang mag-deliver ng speech si Lucas ay halos sabay na naluha ang dalawa na proud sa naabot ng kanilang baby Lucas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Bata pa lang siya, ganon na 'yung mindset niya," ani Rana nang maikwento nila na mismong si Lucas ang nagkukusang mapataas ang grades niya para makamit ang pagiging top one sa klase.

At dahil dito, binigay na rin ni Zeinab ang hiling ni Lucas na gadget gayung deserve naman daw talaga ito ng kanyang anak.

Narito ang kabuuang video ng masayang araw para sa pamilya Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs lalong-lalo na pagdating sa pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak.

Read also

Baby Bia, umani ng papuri sa husay nito sa alphabet sa edad na halos dalawang taon

Kamakailan ay naibahagi rin ni Zeinab ang isang pagkakataong napaiyak siya ng mga anak lalo na ni Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak.

Matatandaang naibahagi rin niya sa isa sa kanyang vlog kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Aniya, walang sinoman ang may karapatang kwestyunin ang kanyang pagiging ina.

Gayunpaman, proud naman siya kay Lucas na nakikita niyang protective, mapagmahal at malambing sa kanya gayundin sa bunsong kapatid nitong si Bia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel