Zeinab, inalmahan ang mga komentong kawawa raw ang anak niyang si Lucas

Zeinab, inalmahan ang mga komentong kawawa raw ang anak niyang si Lucas

- Isa umano sa mga komentong labis na naapektuhan si Zeinab ay ang tungkol sa panganay niyang si Lucas

- Nakakabasa umano siya ng komentong tila pinalalabas na kawawa si Lucas ngayong ang atensyon ni Zeinab ay nasa bunso niyang anak na si Bia

- Aniya, walang maaring kumwestyon ng pagiging ina niya kina Lucas at Bia

- Gayunpaman, proud si Zeinab sa kung paano lumalaki si Lucas na protective at mapagmahal sa bunsong kapatid nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Zeinab Harake na naaapektuhan siya umano tuwing nakakabasa ng mga komentong tungkol sa anak niyang si Lucas.

Zeinab, aminadong naiirita sa mga komentong kawawa umano ang anak niyang si Lucas
Zeinab kasama ang anak na si Lucas (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Lalo na umano kung ipinagkukumpara ang atensyong naibibigay niya ngayon kay Bia kumpara kay Lucas.

"Meron lang isang part na lagi akong naiirita. Parang lagi nilang hinahanapan ng butas para maging kawawa si Lucas pagdating na si Bia 'yung karga ko"

Read also

Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"

Paliwanag ni Zeinab, si Bia ay nasa estado kung saan mas nangangailangan ito ng atensyon kumpara kay Lucas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Baby pa po kasi si Bia. Kailangan po talaga 'nun na ultimo paglalakad gagabayan mo, titingnan mo, babantayan mo. Si Lucas kasi big boy na," ani Zeinab.

"'Yung mga comment na halatang-halata na mas mahal si Bia kay Lucas. Kawawa naman si Lucas hindi nata-trato ng tama. Cut na po 'yan kasi hindi yan totoo," pakiusap na nito.

Aniya, walang sinoman ang may karapatang kwestyunin ang kanyang pagiging ina.

Gayunpaman, proud naman siya kay Lucas na nakikita niyang protective, mapagmahal at malambing sa kanya gayundin sa bunsong kapatid nitong si Bia.

Narito ang kabuuan ng usapang ina ni Zeinab Harake, bilang bahagi umano ng pagdiriwang ng International Women's month:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Dating road manager ni Liza, sumagot umano sa isang netizen: "Ako po ay hindi mukhang pera"

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Sa pagpasok naman ng 2023, kabi-kabila ang kanyang naging proyekto. Isa na rito ang pasabog niyang performance sa "Pinakamakinang concert" ng Brilliant Skin na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel