Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"

Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"

- Naantig ang puso ng marami sa viral birthday greeting ni Zeinab Harake para sa bunsong kapatid na si Rana

- Ani Zeinab, siya ang ate subalit si Rana ang nagsisilbing nanay, tatay, asawa at bestfriend niya sa araw-araw

- Hindi raw kakayanin ni Zeinab ang lahat ng pinagdaanan niyang pagsubok kung wala umano si Rana sa kanyang tabi

- Nilarawan pa niya ito na 'tunay' at ang kanya umanong real life partner na mapapatunayan nga sa mga vlogs nila na halos lagi silang magkasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natunaw ang puso sa nakakaantig ng damdaming mensahe ni Zeinab para sa kaarawan ng bunso niyang kapatid na si Rana.

Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na emosyonal umano si Zeinab na tila ibinuhos ang damdamin niya sa birthday post para sa kapatd.

Read also

Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"

"Happy birthday bunso ko, My real life partner hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka sa tabi ko," ang bungad ng mensahe ni Zeinab.

"Ako yung ate pero ikaw yung tumatayo bilang nanay,tatay,asawa at bestfriend sakin sa araw-araw," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis-labis umano ang pasasalamat niya sa Diyos na mayroon umano siyang kapatid na nilarawan niyang 'tunay' sa buhay niya.

"Mahal na mahal kita ru salamat kasi palagi kang anjan deserve mo maging blessed at masaya dahil sa lakas at galing na meron ka proud ako sayo palagi"

Dahil dito, umapaw din ang mensahe ng pagmamahal ng mga netizens para sa kaarawan ni Rana.

Narito ang ilan sa mga ito:

"Happy birthday Ate Rana!! You both deserve to have and be with each other not just as sisters but also as best friends"

Read also

Ogie D, hiling na 'di na magsalita si Liza upang 'di na ito ma-bash: "Ako 'yung tatay, nahu-hurt din ako"

"Bakit ako naiiyak? Hindi naman ako ang binati. Happy Birthday Rana! Swerte kayo sa isa't isa"

"I've been watching your vlogs, at makikita talaga ang closeness niyo at pagiging totoo sa isa't isa. Alam mo talaga na hindi for the content lang kasi talagang nakaka-amaze ang relationship niyong magkapatid, actually nakakainggit kasi kitang-kita na love na love niyo ang isa't isa. Happy Birthday Rana"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa pagpasok naman ng 2023, kabi-kabila ang kanyang naging proyekto. Isa na rito ang pasabog niyang performance sa "Pinakamakinang concert" ng Brilliant Skin na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel