Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"

Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"

-Marami umano ang nagtatanong ngayon bakit hindi si Ogie Diaz mismo ang mag-interview sa dating alaga na si Liza Soberano

- Matapos ang mga naging pasabog umano nito sa This is Me vlog nito, nagpaunlak na ito ng interview kay Bea Alonzo

- Sinundan din ang ng mas matitinding rebelasyon sa naging interview naman sa kanya ni Boy Abunda

- Dahil dito, tila ang inaabangan ng publiko ay ang posibilidad na si Ogie ang mag-interview mismo kay Liza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Parami na nang parami ang umano'y napapaisip bakit hindi mismong si Ogie Diaz ang mag-interview sa dating alaga niyang si Liza Soberano.

Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"
Ogie Diaz and Liza Soberano (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan ito ng netizens matapos ang mga malalaman na interview kay Liza nina Bea Alonzo at Boy Abunda.

Read also

Ogie D, hiling na 'di na magsalita si Liza upang 'di na ito ma-bash: "Ako 'yung tatay, nahu-hurt din ako"

Sa naturang mga panayam, magkakaiba ngunit matitinding mga pasabog ang kanyang mga nasabi dahilan para maging kontrobersyal siya ngayon.

Subalit dahil sa mga nasasabi niya sa naturang mga panayam, nagkakaroon din umano ng dahilan ang publiko para siya ay mahusgahan o ma-bash.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, tila hamon ng netizens na si Ogie mismo ang mag-interview sa dating alaga upang sabay nilang kumpirmahin ang mga bagay na nasasabi nila sa isa't ia.

Subalit tila hindi ito mangyayari base na rin sa paliwanag ni Ogie na matagal na aniya nila itong nais subukan.

"Sa totoo lang, kahit noong araw kami ni Liza, ang laging sinasabi ni Liza parang nao-awkward daw siya 'pag ako ang nag-iinterview sa kanya," pahayag ni Ogie.

"Hindi niya ako makita na reporter ako kundi manager. Bakit nag-iinterview 'yung manager ko sa'kin. Kaya conscious na conscious siya 'pag ako," paliwanag pa niya.

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan ang mga nangumusta sa kanya: "Appreciate it so much!"

Samantala, sa part 2 ng interview ni Boy Abunda kay Liza, nasabi ng aktres na aminado itong may tampo kay Ogie sa mga nangyari sa kanila. Dahil dito, mas lalong mawawalan ng pagkakataon na sila'y magkaharap at sabay na isapubliko ang kanilang mga saloobin.

Narito ang kabuuan ng post:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa mga naunang episodes ng kanyang Showbiz Update channel, halos makailang beses nang nasabi ni Ogie na hindi umano siya galit sa dating alaga na si Liza Soberano sa mga naging pahayag niya mula nang ilabas ang kanyang 'This is me vlog.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel