Ogie Diaz, pinasalamatan ang mga nangumusta sa kanya: "Appreciate it so much!"

Ogie Diaz, pinasalamatan ang mga nangumusta sa kanya: "Appreciate it so much!"

- Pinasalamatan ni Ogie Diaz ang mga taong nangumusta ngayon sa kanya

- Lalong-lalo na umano ang mga taong nakakakilala sa kanya ng malaliman

- Aniya, okay lang umano siya at na-appreciate niya ang mga agad na nangumusta sa kanya

- Nagawa pa niyang magbiro sa bandang huli ng kanyang post na naihalintulad ang pangangamusta sa mga taong nangungutang lang pala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Ogie Diaz ang mga taong nakaalala umano at nagawa siyang kumustahin.

Ani Ogie, okay lamang umano siya ay sinabi pang labis niyang na-appreciate ang nakaalala sa kung ano ang kanyang lagay sa ngayon.

Ogie Diaz, pinasalamatan ang mga nangumusta sa kanya: "Appreciate it so much!"
Ogie Diaz
Source: Facebook
"Thank you sa pangungumusta ng mga kaibigan, lalo na yung mga nakakakilala sa akin nang malaliman. Okay lang po ako. Appreciate it so much!!"

Nagawa pa nitong magbiro sa bandang huli ng post at naihalintulad pa ang pangungumusta sa taong mangungutang lang pala.

Read also

Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Habang yung iba, nangungumusta, pero nangungutang ang mga potah! Hahaha!"

Samantala, marami ang nakapansin na nagawa itong i-post ni Ogie matapos ang mga naging pasabog ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Doon nasabi ni Liza na walang katotohanang wala nang kinukuhang komisyon si Ogie Diaz sa kanya sa huling dalawang taon ng kontrata nila.

Aniya, hanggang sa linggo kung kailan ginawa ang naturang interview ay may matatanggap pa ring komisyon si Ogie sa mga endorsements nito.

Tumugma naman ito sa naging pahayag ni Ogie D sa kanyang naging paliwanag sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update.

Kinumpirma niyang may natatanggap pa siyang komisyon mula sa ilang endorsements ng kanyang dating alaga na pasok pa umano sa kontrata nila noon.

Read also

Iya Villania, nawindang kay Primo matapos niya itong turuan gumamit ng can opener

Narito ang kabuuan ng post:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa mga naunang episodes ng kanyang Showbiz Update channel, halos makailang beses nang nasabi ni Ogie na hindi umano siya galit sa dating alaga na si Liza Soberano sa mga naging pahayag niya mula nang ilabas ang kanyang 'This is me vlog.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel