Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

- Naibahagi ni Jason Hernandez ang tungkol sa kanyang simpleng buhay sa El Nido, Palawan

- Napagtanto niyang hindi raw pala kailangan ng maraming materyal na bagay para maging masaya

- Pumunta daw umano siya doon para magbakasyon lang ngunit pitong buwan na daw siyang naninirahan doon

- Dagdag pa niya, naiintindihan niya na kung bakit maging si John Lloyd Cruz ay lumipat doon para manirahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jason Hernandez, alam niya na umano kung ano ang mas importante sa buhay. Sa video na binahagi sa Dondon Sermino YouTube Channel, naibahagi niyang pitong buwan na siyang naninirahan sa El Nido, Palawan.

Jason Hernandez, napagtanto kung ano umano ang importante sa buhay
Jason Hernandez, napagtanto kung ano umano ang importante sa buhay (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Aniya, napagtanto niyang hindi daw niya kailangan ng maraming materyal na bagay para maging masaya. Dapat daw ay nagbakasyon lamang siya doon ng isang buwan ngunit napagpasyahan niyang manatili doon lalo na at marami din siyang naging bagong kaibigan doon. Dagdag pa niya, napagtanto niyang mahalaga ang mga kaibigan at pamilya sa kanyang buhay ngayon.

Read also

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Iwas din itong magsalita ng bagay-bagay tungkol sa paghihiwalay nila ni Moira dela Torre.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jason Marvin Hernandez ay isang singer composer na unang nakilala bilang karelasyon ni Moira dela Torre at kasama niya sa paggawa at pagkanta ng kanilang mga likhang awitin. Matapos nilang ikasal ay ikinagulat ng mga tagahanga nila nang ilabas nila ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawang Jason at Moira ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa. Ito ay kinompirma ni Jason sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot nito noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko. Umani ito ng mga reaksiyon at binalikan ng netizens lalo at naging mainit na usapin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Samantala, sa isang Instagram Live video na binahagi ni Moira, marami ang nakapansin na tila malungkot ito at may matinding pinagdadaanan dahil sa kanyang matamlay na reaksiyon. Matapos ang naging pahayag ni Jason ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live. Matatandaang isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel