Live Video ni Moira Dela Torre nitong Lunes, muling binalikan ng netizens

Live Video ni Moira Dela Torre nitong Lunes, muling binalikan ng netizens

- Nitong Lunes ng madaling araw ay isang Instagram Live video ang binahagi ni Moira Dela Torre

- Marami ang nakapansin na tila malungkot ito at may matinding pinagdadaanan dahil sa kanyang matamlay na reaksiyon

- Matapos ang naging pahayag ni Jason Hernandez, ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live

- Matatandaang nitong Martes ng gabi ay isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami sa mga fans ni Moira Dela Torre ang naintriga sa IG live ng mang-aawit nitong Lunes ng madaling araw dahil tila malungkot ito. Matapos ang naging pahayag ni Jason Hernandez, ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live.

Read also

Vlogger, nag-iiwan ng pera sa iba't ibang lugar para hanapin ng maswerte niyang follower

Live Video ni Moira Dela Torre nitong Lunes, muling binalikan ng netizens
Jason Hernandez at Moira Dela Torre (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Sa kanyang live video ay kumakanta pa ito. Bahagi ng kanyang awit ay may linyang "Akala ko ikaw na, hindi pa pala."

Matatandaang nitong Martes ng gabi ay isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang pagsasapubliko ng kanilang paghihiwalay ni Moira, marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawa ang nalungkot. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot ni Jason noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko.

Hindi naman maiwasang mag-react ng netizens sa tweet nito na "Love never gives up." Ito ay kanyang naibahagi sa Twitter apat na araw bago ang kanyang pag-amin tungkol sa paghihiwalay nila ni Moira.

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Read also

Jason Dy, napagbuntunan ng netizen na apektado sa hiwalayang Jason at Moira

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel