Jason Dy, napagbuntunan ng netizen na apektado sa hiwalayang Jason at Moira

Jason Dy, napagbuntunan ng netizen na apektado sa hiwalayang Jason at Moira

- Ibinahagi ng mang-aawit na si Jason Dy ang mensaheng kanyang natanggap mula sa isang netizen

- Galit na galit ito kaugnay sa balita tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawang Jason Hernandez at Moira Dela Torre

- Umani ng mga reaksiyon at komento ang binahaging tweet na ito ni Jason Dy kung saan sinabi niyang hindi siya yung Jason na tinutukoy nito

- Kasabay ng pag-amin ng mag-asawa kaugnay sa kanilang paghihiwalay, marami sa mga tagasuporta ng mag-asawa ang nalungkot

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng mga komento at reaksiyon ang binahaging screenshot ng mang-aawit na si Jason Dy sa kanyang tweet. Ito ay mensahe ng isang netizen na galit na galit sa ginawa ni 'Jason' kay Moira Dela Torre. Ang tinutukoy nito ay si Jason Hernandez.

Jason Dy, napagbuntunan ng netizen na apektado sa hiwalayang Jason at Moira
Jason Hernandez at Moira Dela Torre (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Galit na galit ito kaugnay sa balita tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa. Umani ng mga reaksiyon at komento ang binahaging tweet na ito ni Jason Dy kung saan sinabi niyang hindi siya yung Jason na tinutukoy nito.

Read also

Jason Hernandez, nag-tweet noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Naku napagkamalan na .Sinasabi ko na nga ba damay lhat ng Jason sa mundo Easyhan sana natin ano po? Di ko alam kung matatawa ba ako sa maling taong napagbuntunan ng galit.
HAHAHAHHA damay²na to basta jason yung name damay Hahahah. Damay damay na daw pero pinakamasamang Jay si Jay Sonza
Kabahan kana jayson gainza ikaw na ang sunod haha! Maling jason minessage

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Read also

Viral lolo na bumili ng kotse in cash, naikwento ang simpleng buhay mag-isa

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel