Jason Hernandez, nag-tweet noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko

Jason Hernandez, nag-tweet noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko

- Marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawang Jason Hernandez at Moira Dela Torre ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa

- Ito ay kinompirma ni Jason ngayong araw sa pamamagita ng pagpost sa kanyang social media account

- Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot nito noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko

- Umani ito ng mga reaksiyon at binalikan ng netizens lalo at naging mainit na usapin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pagsasapubliko ng kanilang paghihiwalay ni Moira Dela Torre, marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawa ang nalungkot. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot ni Jason noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko.

Jason Hernandez, nag-tweet ng hugot tungkol sa hindi pagsuko
Jason Hernandez at Moira Dela Torre (@jasonmarvinph)
Source: Instagram

Hindi naman maiwasang mag-react ng netizens sa tweet nito na "Love never gives up." Ito ay kanyang naibahagi sa Twitter apat na araw bago ang kanyang pag-amin tungkol sa paghihiwalay nila ni Moira.

Read also

Viral lolo na bumili ng kotse in cash, naikwento ang simpleng buhay mag-isa

Sa kanyang nilabas na pahayag, buong tapang na inamin ni Jason na siya ang nagkasala na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi umano siya naging tapat at naniniwala siyang karapatan ni Moira na malaman ang katotohanan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng kanilang naging desisyon, nanatili umano ang pagmamahal at respeto nila sa isa't-isa. Humihiling din sila ng "privacy" sa gitna ng pinagdadaanan nila. Wala namang nilalabas si Moira kaugnay dito.

Itim at blangko lamang ang binahagi niyang IG story. Nilagay niya rin sa kanyang IG story ang screenshot ng inilabas na pahayag ni Jason.

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Read also

Rabiya Mateo, inulan ng suporta sa kanyang post tungkol sa "pagtitiis"

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel