Rabiya Mateo, inulan ng suporta sa kanyang post tungkol sa "pagtitiis"

Rabiya Mateo, inulan ng suporta sa kanyang post tungkol sa "pagtitiis"

- Isang cryptic post ang binahagi ni Rabiya Mateo sa kanyang Instagram post na talaga namang naging usap-usapan

- Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya

- Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug

- Matatandaang kamakailan lang inamin nina Rabiya at ng kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales ang tungkol sa kanilang relasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinabahala ng mga fans ni Rabiya Mateo ang kanyang binahaging cryptic post sa Instagram. Hindi na nito binanggit kung ano ang kanyang pinagdadaanan ngunit bumuhos ang mensahe ng pagsuporta sa kanya.

Rabiya Mateo, inulan ng suporta sa kanyang binahaging cryptic post
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram
“I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve.”

Ito ang nakasulat sa kanyang post kaya naman, bukod sa kanyang mga fans ay naghayag din ng kanilang suporta ang ilang malalapit na kaibigan niya.

Read also

Rana Harake, kinabiliban sa pagtatanggol nito sa ate niyang si Zeinab Harake

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isa sa kanyang sagot sa mga mensahe sa kanya, sinabi niyang kailangan niya ng virtual hug.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-post si Rabiya ng pictures nila ng napapabalitang boyfriend na si Jeric Gonzales. Kalakip sa kanyang post ang isang video kung saan karga siya ni Jeric sa kanyang likod habang pababa ng hagdanan.

Hindi man direktang inamin ni Rabiya kung ano ang namamagitan sa kanila, kapansin-pansin ang kanilang pagiging sweet sa mga pictures. Nakasulat din sa malaking titik ang salitang "love" sa kanyang caption na Live. LOVE. Laugh..

Matatandaang naunang naging usap-usapan ang dalawa matapos silang mamataang magkasama ng ilang beses at nakuhanan ng mga pictures. Gayunpaman, walang nilabas na kumpirmasyon ang dalawa kaugnay dito.

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel