Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

- Ayon kay Toni Fowler, hindi siya nagsisi na naglabas siya ng music video na talaga namang umani ng pambabatikos sa maraming netizens

- Pinasalamatan niya din ang mga taong ayaw sa kanya ngunit pinanood pa rin daw siya

- Aniya ang pinaka-gusto niya lang daw ay ang kumita ng pera at nangyari iyon nang pinanuod ng mga tao ang video niya

- Ayon pa kay Toni, balak pa niyang maglabas ng kasunod na music video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tahasang sinabi ni Toni Fowler na hindi niya pinagsisihan ang paglabas niya ng music video ng MPL. Aniya, balak pa nga niyang sundan ang kontrobersiyal na kanta.

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video
Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ng co-actor niyang si Ghost wrecker ay isa-isa niyang sinagot ang katanungan sa kanya.

Para naman daw sa mga taong galit sa kanya pero pinanood pa rin ang video niya, nagpasalamat siya dahil nagkapera siya dahil dun. Iyon naman daw ang kanyang goal.

Read also

Toni Fowler, kinausap ang anak kaugnay sa kontrobersiyal na music video

“Sa mga galit sa akin pero pinanood pa rin ‘yung video ko, thank you so much sa panonood kasi ako pa rin naman ang pumera doon. Yung naman din ang goal ko e… Huwag kayong mag-alala, lulupitan ko pa next time.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay social media influencer at vlogger na nakilala bilang lider ng ToRo family. Kasama niya dito ang kanyang kapamilya at kaibigan at magkakasamang gumagawa ng mga content. Bukod sa vlogging ay mayroon ding naipundar na negosyo si Toni. Kamakailan nga ay naging bahagi siya ng seryeng FPJ's Batang Quiapo.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel